_pang-masa
^

Pang Movies

Mga dokumento para makapagpagamot si Kris sa abroad, minamadali na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mga dokumento para makapagpagamot si Kris sa abroad, minamadali na!

Inaayos na ang mga travel document ni Kris Aquino at ng kanyang nurse.

Dahil medical emergency, tinutulungan na silang ayusin ito ni Philippine Envoy to the US Jose Manuel Romualdez. Ito ang sinabi ni Sir Jose Manuel sa programa ni Karen Davila sa ANC kahapon.

Pero medyo matagal daw talaga ang process dahil sa current situation.

Tinawagan na raw niya ang consulate general para matulungan si Kris.

Alarming na nga ang timbang ni Kris sa kanyang last post sa Instagram.

Sobrang payat na niya pero sinabi naman niyang ‘di siya susuko para sa kanyang mga anak na sina Joshua and Bimby.

Nanatili namang tahimik ang ex-fiance niyang si Mel Sarmiento matapos ang announcement ni Kris na hiwalay na sila.

Winwyn, naka-quarantine

Naka-home quarantine ang buntis na si Winwyn Marquez.

Sa kanyang post ay sinabi niyang ipagdarasal niya na gumaling na ang mga tinamaan ng virus.

“It’s hard and scary. Nakakapagod pero laban lang and stay optimistic.  I pray hindi lahat maka-experience nito and sa mga tinamaan ay sana lahat gumaling na.. lagi ko nga sinasabi sa sarili ko na all will be well and after nito mabibigyan lalo natin ng importance yung mga bagay na dati ay binabaliwala lang. Get vaccinated, drink your vitamins, mag mask, safely distance yourself from others, test agad at mag isolate pag may naramdaman and contact agad ng fam and ng doctor niyo.”

Nadine, nilantad na si Christophe

Posted na sa Instagram account ni Nadine Lustre ang photos nila ng dati ay rumored boyfriend niya lang na si Christophe Bariou.

Matagal-tagal din pulos speculation ang relasyon nila dahil walang outright declaration ang ex ni James Reid.

Pero ito nga, ginawa na niya itong official sa social media.

Walang caption pero cheek-to-cheek sila at masayang-masaya at obvious na kuha noong New Year dahil may background na fireworks.

Months ago nang maging hot item sa social media ang sweet photos nila sa Siargao kung saan nga may property ang guy sa nasabing isla na grabeng naapektuhan ng bagyong Odette.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with