^

Pang Movies

Terrence, tameme sa pagkakulong ng asawa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Terrence, tameme sa pagkakulong ng asawa

Sinasabing siguro raw ay maluhong pamumuhay ang naging dahilan kung bakit nasangkot nga sa patung-patong na estafa ang asawa ng basketball player na si Terrence Romeo. Nakakulong ngayon ang kanyang misis at ang sinasabing isa pang kasabwat nito, pero si Terrence ay tahimik lamang dahil sinasabi ngang hiwalay na rin sila.

Maski sa show business daw ay marami ring nautangan ang asawa ni Terence, na ang ginawa ay “rediscounting ng kanyang tseke,” na nakapadalas mangyari maski na sa showbiz personalities na nakakasuhan din ng estafa. Madali kasi ang mangutang, problema ang pagbabayad lalo na kung tubuang pera.

Nora, hindi na naghabol

Natahimik na si Nora Aunor at maging ang kanyang followers nang hindi kilalanin ng COMELEC ang kanyang partylist.

Maaari pa sana siyang umapela sa Korte Suprema kagaya nang ginawa ng ibang partylists na rejected din ng COMELEC, pero hindi na nila ginawa.

Naging mahirap sa kanilang patunayan ang existence ng kanilang partylist kahit totoo na kahit saan ka magpunta, may makikita kang fan ni Nora. Pero hindi ‘yun sapat para sa advocacy ng itinatag na partylist.

Kaya siguro mas mabuti ngang hindi na sila umapela sa Korte Suprema dahil napakalaking intindihin iyan bukod pa sa gastos.

Ang totoo, mas naging madali pa siguro kung si Nora ay kumandidato na lamang congresswoman sa isang local na distrito.

Pero may nagsasabi rin namang mahihirapan din siya dahil sa pandemya sa ngayon. Si Nora ay isa nang senior citizen at may mga comorbidities pa, kaya delikado rin para sa kanya ang pagkakampanya.

Kailangan talaga ang isang mabuting pag-aaral sa sitwasyon ni Nora, lalo ngayon na may edad na siya at marami na siyang hindi maaaring gawin kagaya noong panahon ng kabataan niya at sikat na sikat.

Shaina, maayus-ayos na ang lagay   

Nagpasaksak pa raw si Shaina Magdayao ng booster shot noong Jan. 7, pero makalipas lamang ang dalawang araw, nagpa- RT PCR test para sa kanyang trabaho at lumabas na siya ay positive.

May sipon, ubo, pananakit ng katawan, at ang lagnat niya ay naglalaro na sa 38-39 na akala niya ay epekto ng booster. Pero may virus na pala siya.

Hindi na siya nakapagtrabaho, kailangan na siyang i-isolate. My doctor namang tumitingin sa kaya at sa awa naman ng Diyos ay bumuti ang kanyang kalagayan makalipas ang ilang araw.

Pero hindi pa rin daw masasabing magaling na siya dahil may kaunting sipon pa, minsan ay may nadarama pa ring hindi maganda sa katawan at nawawalan ng ganang kumain.

Pero noon pa mang una, iyan na ang inaalala ng ermat niya.

Sinasabi nga ng ermat niya na kahit na sabihing lock-in ang taping, may mga taong lumalabas din para kumuha ng kanilang mga kailangan, at naroroon ang peligro sa pagbabalik ng mga iyon. Pero trabaho iyon.

TERRENCE ROMEO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user