^

Pang Movies

May forever sa EB!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
May forever sa EB!

Wow naman pumirma na naman ng kontrata ang Eat Bulaga sa GMA 7. Grabe talaga ang longest running show dahil dagdag years na naman ang pinirmahan nila.

Ang sarap ng Eat Bulaga dahil imagine, ‘yung friendship na lang nina Tito, Vic Sotto at Joey de Leon, solid mula umpisa hanggang ngayon. Mga single pa sila hanggang ngayon na mga lolo na sila, friends pa rin.

Siguro iyon talaga ang key kung bakit sila matatag, ‘yung totoo ang closeness nila sa isa’t isa. ‘Yung para na silang magkapatid. Walang iwanan. Ang galing talaga, para bang Eat Bulaga forever sina Tito, Joey at Vic.

More happy successful years ahead.

Congrats, talagang walang tatalo sa inyo.

Mga regalong pagkain, mas pinabongga

Lahat yata ng cookies nasa mga natanggap nating Christmas baskets, Salve. Talagang lahat ng variety ng iba’t ibang cookies nasa loob ng basket kaya ang dami nating na-discover na mga variety nito.

Para ngang ang dami pa ring dumating na imported products kaya iisipin mo na hindi naman apektado ng pandemic ang buying public. Bongga nga ngayon pati mga food na pangregalo, talagang classy at ang ganda ng presentation kaya parang ang sarap-sarap. ‘Yung crabs at prawns na regalo talagang ang lalaki at mataba. Totoong special ang season dahil lumalabas lahat ng akala mo wala sa market. Kahit ‘yung mga bagoong at special tuyo, iba rin ang mga lasa, special talaga.

Love ko talaga ang December, month of abundance and special food talaga. Mula start hanggang finish, fiesta feeling ang peg ng December.

EAT BULAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with