^

Pang Movies

Yen at Paolo, may putukan sa Boracay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Yen at Paolo, may putukan sa Boracay!

Kahit saan talaga magpunta sina Paolo Contis at Yen Santos, maiispatan pa rin, gaya nitong bagong sighting sa kanila sa Boracay kung saan, nakunan sila ng ilang netizens na nakapila, hindi lang malinaw kung sa NAIA o sa airport na sa Aklan.

Kahit naka-face mask ang dalawa, naka-sunglasses si Yen at si Paolo ay naka-cap, nakilala pa rin ang dalawa. Ginamit pa ng netizen ang nausong “as a friend” noong unang makita sa Baguio sina Paolo at Yen. “Tara Boracay as a friend” ang comment ng netizen na nakakuha ng larawan.

Noong Pasko, nagkita rin sina Paolo at Yen. Naalala n’yo ang pinost ni Yen na kasama niya si Santa Claus? Ang paniwala ng netizens, si Paolo ‘yun na nag-ayos Santa Claus lang para libre silang makapagpakuha ng picture at ma-post ni Yen.

Quizon brods, may gag show

May show pala ang magkakapatid na Quizon, gag show ito at may pamangat na Quizon CT (in fairness, naaliw kami sa title), pero ang ibig sabihin daw ng “CT” sa Title ay Comedy Theater.

Sina Eric, Epy at Vandolph ang mga bida at kasama sa cast ang wife ni Vandolph na si Jenny Quizon. Sa Net25 TV ito mapapanood sa hindi pa sinasabi ang exact date. “Soon” lang ang sinabi ni Eric, kaya baka sa 2022 na ang airing at malapit na nga dahil bukas ay Jan. 1, 2022 na.

Sparkle, may pangako sa Kapuso artists

Sabay sa GMA New Year Countdown ng GMA Network this Friday, ang big launching ng Sparkle, ang bagong pangalan ng GMA Artist Center. Bago pa ang launching, itinaas na rin ang malaking billboard nito sa GMA Building.

Pangako ng mga taga-Sparkle, mas magiging active ang mga artistang hawak nila sa pagpasok ng taon at mga susunod pang taon. Ipagpapatuloy din nila ang pagma-manage sa lahat ng kanilang talents, bago man o mga bagong lipat. Welcome rin sa kanila ang new talents at katunayan, tuloy pa rin ang weekly auditions para makahanap ng new talents ang GMA.

Marvin, nagtatago pa rin dahil sa palpak na pa-order ng cochinillo

Disabled ang comment box ni Marvin Agustin at hindi lang sa post niya na nagso-sorry sa custo­mers niyang na-disappoint sa in-order na cochinillo kina Marvin at sa team nito sa Secret Kitchen. Pero sa Facebook account ni Marvin, nakakapag-comment pa ang dissatisfied customers at may mga nagmumura pa.

Nag-sorry na si Marvin at nangakong magre-reach out sa iba pang nag-order ng cochinillo at wil­ling naman siguro itong i-refund ang mga nagreklamong customers. May mga nag-comment na sana, ipag­patuloy pa rin ni Marvin ang Secret Kitchen dahil hindi lang naman cochinillo ang kanilang niluluto, iba’t ibang pagkain.

May mga umaasa rin na hindi isara ni Marvin ang Secret Kitchen dahil mawawalan ng trabaho ang kanyang staff na umaasa sa kanya at sa sweldo nila. Magnu-New Year na oh, magpatawad na kayo.

May mga nag-order sa Secret Kitchen for the New Year, paano ‘yun, kinansela kaya o itutuloy ng mga umorder. In fairness, ang mahal pala ng cochinillo na ‘yan, thousand ang presyo at depende sa kilo.

Sana naman, sa birthday ni Marvin sa Jan. 29, napatawad na siya ng mga nagreklamong customers para mas masaya ang kanyang birthday.

PAOLO CONTIS

YEN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with