^

Pang Movies

Ogie, isasalba ang career ni Janus!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ogie, isasalba ang career ni Janus!

Sa lahat ng success story ng showbiz writers, kay Ogie Diaz ako talaga tuwang-tuwa. Kasi nakita ko talaga iyon start ni Ogie, at itong narating niya. Can you imagine Ogie Diaz driving a car na noon kasabayan mong naglalakad sa Escolta!

At kaya nakakatuwa dahil kahit pa nga nasa itaas na siya, hindi parin siya nagbabago. Hindi ako nagtaka na siya ang tumulong kay Janus del Prado para makabangon ito dahil ever since malambot ang puso ni Ogie.

Kaya siguro malapit ang suwerte sa kanya dahil mabait siya, mababang loob, marunong tumanaw sa kung saan siya nanggaling, hindi mayabang.

Ganun talaga ang kapalaran ng mga taong walang yabang sa katawan, hindi nagtatanim ng galit, nagiging magaan ang buhay. Bongga ka Ogie, sure ako malayo mararating ni Janus sa mga kamay mo, dahil pati siya mababahiran ng suwerte mo sa katawan.

Bernard Cloma, cancer free na

Naku Salve talagang gusto ni Bernard Cloma malagay siya sa IG natin kaya heto, gawa ako ng isa para sa kanya. Si Bernard na sa gitna ng pagki-chemo ay gala nang gala at kung saan-saan nagpupunta, sabi niya ay cancer free na raw siya ngayon.

Binigyan niya tayo ng pasalubong na Long Champs dahil galing siya Europe at USA at dami niya photos kuha sa Rome.

Bongga si Bernard, kaya naman talagang gusto niya na malaman ito ng 149K na followers ng IG natin.

Hayan Bernard ha, IG ka na, huwag mo na ako kulitin , at ingat ka dahil at least tumataba ka na, at sabi mo nga cancer free ka na dahil love ka ni Padre Pio at devotee ka ni Mama Mary. Have a merry Pasko and healthy new 2022 Bernard Cloma.

OGIE DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with