^

Pang Movies

Tatay ng anak ni Winwyn, pahulaan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tatay ng anak ni Winwyn, pahulaan!

Bongga si Winwyn Marquez ha. Hanggang ngayon pahulaan pa rin kung sino ang tatay ng magiging baby niya, na hinayaan niyang mabun­yag na buntis siya para lang makapag-promote ng movie niyang Nelia.

Ok din na halos masolo niya ang publicity dahil nga ang pinag-usapan ay ang pagbubuntis niya. Imagine mo na sana gusto niyang itago pero dahil gusto niyang tumulong sa publicity ng movie, heto at hinayaan niya na siya ang maging topic ng publicity.

Bongga rin si Winwyn dahil matapang niyang hinarap ang controversy. Sana nga ay makatulong sa movie ang kanyang ginawa at sana rin maging mabuti ang kalagayan niya sa kanyang pagsisilang.

Bravo dahil hindi niya itinago at hindi siya naging mailap sa pagharap sa katayuan niya ngayon. Naging honest siya kaya mas minahal siya ng followers niya. Good for Winwyn at good for Nelia. Watch natin ang movie niya. Suporta natin kay baby Winwyn .

Christmas rush, ramdam na ramdam

Talagang meron nang Christmas rush, Salve. Kahit na ang sandaling mee­ting natin kay Mayette Acuna ng IVI Met at Vitamin Cee parang madalian dahil nga on the way na si Ronite @dpersonalshopper sa airport at gagamitin na ang regalong tiket ni Kris Aquino papuntang Europe.

Talagang lahat parang nagmamadali, na ewan kung bakit kahit pandemic at mahal ang gasolina, ang dami pa ring sasakyan sa kalye. Nakakatuwa na laging puno ang SuperSam na noong una akala natin hindi maghi-hit dahil pandemic, pero ngayon fully booked siya lagi at halos wala kang maupuan. Kaya tuwang-tuwa tayo para kina Jerry Sy at Sharon na talagang tutok at hands on talaga sa kanilang business.

Hay naku, ang taas ng energy talaga na makita ang maraming tao na masaya. Be merry, bright, happy and safe, it’s the most wonderful time of the year.

WINWYN MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with