^

Pang Movies

Janella, dinagdagan ang alagang ahas!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Halatang seryoso si Janella Salvador sa kanyang role bilang Valentina sa Darna dahil sa ngayon ay nag-aalaga na nga rin siya ng mga ahas.

Last week ay ipinakilala niya ang alaga niyang baby snake na si Versace na aniya ay 5 months old pa lang. Nag-viral nga agad ang post ng aktres at marami ang nagulat na nag-aalaga na siya ng ahas.

Pero hindi lang pala isa ang kanyang alagang ahas kundi dalawa. Ipinakilala na niya ang kanyang 2nd pet snake sa kanyang latest Instagram post.

Makikita sa mga larawan ang isang yellow ball phyton na talagang hawak-hawak pa ni Janella.

“Because two is better than one? Welcoming this baby to my zoo. His name is… Valentino (see what I did there?)” caption ng aktres.

Tulad ng unang post ni Janella, nagulat din ang mga netizens at tinanong pa siya ng isa ng “why?” Sinagot naman ito ng aktres ng “because he’s a cutie.”

Reaksyon naman ng isang netizen, “juskolord. . .I’m scared.”

‘Yung mga mahilig sa ahas ay napa-wow at nakyutan pa kay Valentino pero ‘yung mga takot ay nagsabing hindi raw sila pupunta sa bahay ni Janella.

Hahaha!

Kim, Miss U ang peg sa buhay

Kahit pandemic, hindi pa rin nakakalimutan ni Kim Chiu ang kanyang love sa sports at sumali na naman nga duathlon recently, her first race simula nang nag-pandemic.

Ipinost ni Kim ang mga larawan niya during the race at masayang-masaya siya sa kanyang na-achieve although aminado siyang talagang nahirapan din siya na ikinuwento niya sa caption.

“Some may ask “why am I doing this?” I always tell them, I just want to know myself even more. How far can I go, physically and mentally. I enjoy the camaraderie inside the course between people who don’t know each other but supporting one another. People who don’t know you but motivates you to reach your goal, to finish the race.

“With minimal training. During the race, there are times that I wanted to give up coz the course is not easy, especially this race, it’s so windy, the sun is mega hot, so many uphills, or should I say uphellzz,” simula ng caption ni Kim.

Ibinahagi rin ng aktres na pinulikat siya habang nagba-bike at halos ayaw na niyang magpatuloy sa race.

“Plus first time to experience hardcore cramps on both calves, first time!! It was so painful that I couldn’t pedal anymore, don’t know what to do, it happened couple of times during that 40km bike, I was thinking of giving up and stopping the race then I slowed down coz it’s so painful ang tigas na talaga ng binti ko, then someone passed by me and said: “go, Kim, don’t stop!” Then I shouted, “ayaw ko na, nag cramps ako.”

“Then she came back and gave me gel. Then left. So I took it and pedaled myself to finish the bike course. Then the final 5km run. Had side stomach cramps throughout the run but I still pushed myself and told myself to “finish the race, finish the race!!” And just like that!!!!! I am a standard duathlon finisher,” pagbabahagi ni Kim.

“Just like how it is in life. There is never an easy road for us to reach our goal, we have to remain focused, calm, and know what our goal is, why are we doing this. There may be obstacles that we encounter but know that someone will help you along the way, you just have to keep going and never give up because at the end of the day. It is you vs you and no one else. Just like what #missuniverse2021 said “you are the leader of your life. You are the voice of your own.”

“Be you and do you. A strong mind is a Strong Body,” pagtatapos ni Chinita Princess.

JANELLA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with