^

Pang Movies

Mga Kapuso serye sa 2022, nakalatag na   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa pagpasok ng 2022, maraming new teleseryes at shows na ibibigay ang GMA Network para sa loyal viewers nila.

Mauuna rito ang Mano Po Legacy: The Family Fortune, mula sa movie series na Mano Po ng Regal Films, ay isinalin na ito sa TV, directed by Ian Lorenos, at mapapanood na simula sa January 2022.

Isa pang naka-lock-in taping na ngayon ay ang drama series na Widows’ Web, na tatampukan nina Ms. Carmina Villarroel, Ashley Ortega at Pauline Mendoza, with Vaness del Moral, Adrian Alandy, Arthur Solinap, Dave Bornea and EA Guzman. Ito and first Kapuso directorial job of longtime ABS-CBN director Jerry Lopez Sineneng, who signed with GMA later this year.

And of course, ang pinakahihintay na pagbabalik ng Agimat ng Agila, book two, ni Senator Bong Revilla at ni new Kapuso actress, Miss Universe Philippines 2020, Rabiya Mateo.

At ang pagbabalik din ni first yaya Melody sa book two titled nang First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, na isasabay ang airing sa March 2022, para sa coming national and local elections in 2022.

The Clash winner, mag-uuwi ng P4M

Simula na ng laban ng natitirang Top 6 ng The Clash Season 4 ngayong Saturday, Dec. 11, nina Julia Sarad, Lovely Restituto, Mariane Osabel, Mauie Francisco, Rare Columna and Renz Fernando. Laging maraming panggulat ang musical show sa televiewers, kaya ngayong gabi at tomorrow, Sunday evening, sinu-sino kaya sa Top 6, ang ia-announce ng The Clash Panel na sina AiAi delas Alas, Lani Misa­lucha at Christian Bautista, na magiging finalists sa Finale Night sa Dec. 19. Sino kaya ang magiging The Clash Ultimate Champion for 2021?

Ang magiging The Clash Ultimate winner ay mag-uuwi ng more than four million prizes in cash and in kind. Napapanood ang The Clash, Saturday at 7:15 p.m. and on Sunday, at 7:40 p.m. sa GMA 7.

KAPUSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with