^

Pang Movies

Janella, may baby snake na inaalagaan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Wow, inumpisahan na nga ni Janella Salvador ang pagiging Valentina.

Sa kanyang post ay talagang hinihimas-himas niya ang batang ahas.

“Hello, world.

“Meet Versace, my 5 month old baby girl.”

Si Janella ang gaganap na Valentina sa Darna: The TV Series na nag-umpisa na ang lock-in ta­ping.

Nauna nang sinabi ni Direk Chito Roño na “We’re modernizing Valentina time. Totally kakaiba sa dating Valentina.”

Huling napanood sa The Killer Bride ang actress.

mga nasa lock-in, bugbog na ang ilong sa kaka-swab

Thankful ang cast ng Ang Probinsyano dahil wala nang nagpa-positive sa kanilang lock-in taping sa Ilocos.

Pero bugbog-sarado raw talaga ang mga ilong nila sa kaka-swab dahil almost everyday, sina-swab sila. Na ok lang din naman sa raw kanila dahil sure sila na safe silang lahat.

Running smoothly daw ang lahat kasama si Sharon Cuneta though hiwa-hiwalay raw sila at nakakulong sa cottages ‘pag walang taping.

Sa Dec. 22 na raw sila lalabas ng lock-in.

Sen. Pacquiao, naiintrigang aatras sa laban sa 2022

Parang wala naman sa plano Sen. Manny Pacquiao na umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente.

May ilan kasing nagsasabi na may posibilidad diumanong umatras ang boxing champion sa kanyang matinding laban sa May 2022 tulad ni Sen. Bong Go.

Pero bakit pati si Mommy Dionisia ni Sen. Manny ay nagpakita na kasama ni Jinkee sa kanyang post. Ani Jinkee : “My husband tells me that there are two beautiful women in his life. Me and You.

“How blessed we are, how fortunate we’ve been, that you are his mother, and also my best friend.”

Saka massive ang tao sa mga pinupuntahang probinsya nila Jinkee. As in makikita sa mga post nila na talagang walang nakakapigil sa pagdagsa ng mga taong gusto silang makita at naghihintay ng mga pamigay na ayuda ni Sen. Manny.

Face-to-Face concert, tataas na ang presyo ng ticket

Parang marami na ang gustong manood ng live concert nang libre.

Dinagsa nga ang concert ng Ben & Ben sa isang mall last Saturday night.

Makikita sa mga kumalat na video na enjoy ang mga tao sa nasabing pa-concert ng mall at parang nakalimutang may virus pa rin.

Though mababa na ang new positive cases, 603 kahapon, baka naman hanggang sa free concert lang sabik ang mga tao dahil given na iba na ang magiging setup sa live concert. Hindi na puwede ang siksikan at tiyak na mamahal ang ticket dahil may swabbing, alcohol, at kailangang i-disinfect ang venue, etc. kaya additional cost.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with