^

Pang Movies

Marian, ‘di nagpapaapekto sa negatrons

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marian, �di nagpapaapekto sa negatrons

Grabe na talaga ang nega vibes sa atin. ‘Yung napili bilang isa sa judge ng Miss Universe si Marian Rivera na dapat talaga nating ipagmalaki dahil ngayon lang nangyari, umandar na naman ang negatrons. Ngayon naman ang issue bakit napili eh hindi naman English speaking si Marian. Issue iyon?

So, ‘yung candidates na hindi marunong magsalita at hindi maintindihan ang English, bawal? Nag-aral si Marian, nagsasalita ng English, nakakaintindi, ano ang problema? Ang hirap talaga ng maganda, may poging asawa, may dalawang cute na anak, kahit anong kilos, inggit ang umiiral sa marami at ang iba talagang nasa destroyer mode na lahat na lang kahit walang kuwentang bagay ang nakikita.

Mabuti na lang at marunong magdala ng mga ganitong bagay si Marian, dahil matalino nga, nasasakyan na rin niya na marami talaga ang gusto makita na masira siya.

Sorry nga lang at talagang pinagpala si Marian Rivera-Dantes, habang hinihila pababa, lalong tumataas. Sabi ko na kasi, may nanalo na, kaya umuwi na ang mga talunan, wala nang magagawa pa. Loser na nga ‘di bah!

Paggawa ng mabuti, laging may kapalit

Talagang naniniwala ako sa kasabihan na ‘pag may ginawa kang mabuti, may mangyayari ring maganda sa iyo. Na ‘yung maganda mong ginawa tiyak maganda rin ang balik sa iyo.

May mga tao na nagtataka bakit kung minsan parang mabigat ang buhay sa kanila, siguro hindi rin sila bukas-palad, selfish din at makasarili kaya kahit anong gawin lagi na lang may nae-encounter na problema. Kung paano mo harapin ang buhay, ganundin ang balik nito sa iyo. Do something good, and something good will happen to you.

Totoo ‘yung kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin. Kung ano ang ginagawa mo, iyon din ang gagawin sa iyo. Kahit pa nga hindi sa iyo gumanti, sa mga magiging anak mo, mararamdaman iyon.

May isa akong movie na napanood, sabi ng father niya sa anak niya, “lahat nang ginagawa ko ngayon kabutihan para sa iyo, dahil ‘yung tao na binigyan ko ng favor, sure ako, gagawan ka rin ng mabuti in the future.” Kaya nga, kahit pa hindi ikaw ang umani ng blessing, tiyak isa sa pamilya mo. Pay forward, babalik at babalik din sa iyo ang ginawa mo. 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with