^

Pang Movies

Heart, magiging busy sa Amerika!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Heart, magiging busy sa Amerika!                

Nakaalis na pala si Kapuso actress Heart Evangelista patungong New York last Sunday, Nov. 28, para sa isang photo shoot at iba pang commitments ngayong tapos na ang lock-in ta­ping nila ng ipinalalabas na sa GMA Telebabad, ang I Left My Heart in Sorsogon.

Pero bago umalis si Heart, nag-host muna siya ng dinner para sa mga co-actor at production staff nserye, bilang pasasalamat niya sa mga nakasama niya.

Isinabay na rin ni Heart ang bagong business venture na itinayo nila ng sister niyang si Camille Ongpauco, ang beauty and wellness products ng Pure Living International, ang Vitasense. Ang products nila ay makakatulong para sa mothers at home. 

Dagdag pa ni Heart, kasama nila ang sikat na Korean actor na si Ji Chang-wook, as their endorser. Nagkita at nagkakilala raw sila ni Ji Chang-wook sa Singapore at doon nila na-finalize ang pagiging endorsement ng naturang product.

Hindi naman magtatagal si Heart sa US dahil may wife duties pa siya for the coming 2022 national elections.

Commercial ni Zia, pang-GV

Para sa Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, “proud dad moment” sa kanya at isang rare privilege and opportunity na panoorin ang panganay na anak nila ni Marian Rivera na si Zia habang gumagawa sila ng isang TV Commercial para sa isang shopping app, at dinirek ng dalawang director that he res­pects and admires, sina director Cathy Garcia-Molina at Dan Villegas.  “Ganito pala yung feeling na sinasabi nila kapag nakikita mong nagku-krus ang landas ng mga bagay at tao na mahalaga sa buhay mo. I will remain forever grateful for moments like this.”

Ngayong napapanood na ang nasabing TVC, tama si Dingdong na maging proud sa anak dahil kahit kasama siya ay makikitang si Zia ang bida sa TVC na kumakanta at sumasayaw.  Sabi nga sa comment, pa-good vibes at nakaka-proud talaga si Zia!

Unang nakatrabaho ni Dingdong si Direk Cathy sa Seven Sundays sa Star Cinema at si Direk Dan ay naging classmate niya in a film course na sabay nilang kinuha.

The Clash Champion, mag-uuwi ng P4M!

Worth four million in cash and in kind ang iuuwing premyo ng mananalong ultimate winner ng The Clash Season 4 sa nalalapit na grand finals nito this December. Simula sa Saturday, Dec. 4, magsisimula na ang paglalaban ng top eight finalists. Kung anu-ano pa ang pagdaraanan nilang pagsubok ng programa tuwing Saturday (7:15 p.m.) at Sunday (7:40 p.m.), ay isa-isang iri-reveal ng mga host na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz with Journey hosts Ken Chan at Rita Daniela at judges na sina Ms. AiAi delas Alas, Christian Bautista at Ms. Lani Misalucha.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with