_pang-masa
^

Pang Movies

John Lloyd, ayaw mag-leading lady sa sitcom   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
John Lloyd, ayaw mag-leading lady sa sitcom        

Nagsimula na palang mag-taping si John Lloyd Cruz sa first project niya sa GMA Network, ang sitcom na Happy To Get Her. Ayon sa kanyang Crown Artist Management, nag-decide raw si Lloydie na dire-diretso silang magtrabaho ng cast ng sitcom at tapusin na ang first cycle nila. 

Isinabay rin ng actor ang shoot niya ng mga bago niyang endorsements, kasama si Bea Alonzo. Ang One True Pair: The Movie ay ilo-launch nila tomorrow, Nov. 30. May live streaming naman ito sa Wednesday, Dec. 1, sa YouTube channel ng Jollibee Studios.

Ayaw daw mag-Christmas vacation ni Lloydie at itutuloy nila ang taping ng kanilang sitcom ngayong December, sa direksyon ni Edgar Mortiz. May balitang mapapanood ang sitcom tuwing Saturday sa GMA 7, pero wala pang exact time ng airing. Wala raw leading lady si Lloydie pero every taping ay magkakaroon sila ng special guest. Sino kaya ang unang magiging guest ni Lloydie?

Khalil at Gabbi, hindi nawawalan ng trabaho

Happy na ang fans ng Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos dahil mayroon na silang romantic-comedy series na may world premiere na simula ngayong Monday, Nov. 29, ang third story ng Stories From The Heart: Love On Air.

Matagal na itong hinihintay ng fans nila, matapos pansamantala munang hindi itinuloy ang isang serye na dapat ay nasimulan nila para sa GTV, noong kalilipat lamang ni Khalil sa Kapuso Network. Pero hindi naman nawalan ng projects ang dalawa dahil madalas silang mag-guest sa ibang shows ng GMA.

Gaganap sina Gabbi at Khalil, bilang DJs sa isang radio station, cute couple sana sila bilang sina Wanda at Joseph respectively, pero ano kaya ang mangyayari sa kanila kaya magiging bitter-bitteran si Wanda pagdating sa love? 

Rabiya, hindi nagpatalo sa aktingan

Mukhang magiging isang mahusay na aktres si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Bago pa siya nag-sign ng exclusive contract sa GMA Network, nag-guest na si Rabiya sa Eat Bulaga, All-Out Sundays as host, at nang bumalik na siya sa Pilipinas pagkatapos ng Miss Universe pageant, nakapag-guest at nagpatawa naman sa The Boobay and Tekla Show, na nakipagkulitan sa hosts ng show. 

At last Saturday, ipinakita na ni Rabiya, na kaya na niyang makipagsabayang umarte, kasama ng guests din sa true-to-life stories sa Wish Ko Lang hosted by Vicky Morales.

Si Rabiya rin ang napili ni Sen. Bong Revilla na maging bagong leading lady sa pagbabalik ng book two ng action-fantasy series niyang Agimat ng Agila sa January 2022. Ano kaya ang role na gagampanan ni Rabiya sa serye, may gagawin din kaya siyang action scenes tulad ni Sanya Lopez sa first book?

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with