^

Pang Movies

Paolo, ‘di pumatol sa scammer?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Paolo, âdi pumatol sa scammer?!

Ayaw diumanong patulan ni Paolo Contis ang isang scammer turned Marites na walang ginawa kundi i-badmouth siya. “Bakit maniniwala ang tao sa scammer??? Siya din nagsabi na nagddrugs ako at sinasaktan ko mga bata,” something like that na reaction diumano ng actor tungkol sa mga pinagsasabi ng isang nagpapanggap na influencer.

Reaction pa diumano ni Paolo sa isyung na-decline ang card niya sa isang restaurant sa birthday blowout niya for Yen Santos na pinalaki pa: “Sino nagsulat? Una sa lahat hindi ako nagka-card. Napakasinungaling,” galit na diumano’y sagot ng actor sa isang kakilala niya.

Parang hindi nga naman kapani-paniwala na madi-decline ang card ni Paolo.

Lumang-luma na ang ganung anggulo.

Unless na-decline dahil na-max-up na.

Hahaha.

Influencer, kakasuhan ng actor

Humanda na ang isang feeling influencer dahil malamang diumano’y idemanda siya ng isang aktor na ginagawan niya ng issue.

Ayon sa source, walang mga basis diumano ang mga sinasabi ng nasabing feeling influencer.

Kaya iniisip na raw ng aktor na kasuhan ito o ilapit na sa NBI na tigilan na siya at wag nang gamitin para mapansin sa social media.

Kung bakit naman kasi parang talagang autho­rity na itong si feeling inluencer na ginagawang legitimate ng iba sa pamamagitan ng pagpi-play up.

Well, tingnan natin kung saan hahantong ang plano ng aktor sa nasabing influencer. 

Narda ipinasilip na, Valentina iibahin!

Kasabay ng pag-arangkada sa taping ng Darna: The TV Series ang anunsyo na si Janella Salvador ang gaganap sa papel na Valentina na ayon kay Direk Chito S. Rono ay nababalot ng misteryo at naniniwala siyang magagampanan ito ng Kapa­milya actress nang maayos.

Ayon pa sa box-office director, ibang-ibang Va­lentina ang mapapanood sa inaabangang serye na ipapalabas na sa 2022. “We’re modernizing Valentina time. Totally kakaiba sa dating Valentina,” masayang pagbabahagi niya.

“I haven’t really seen her (Janella9 that much except for when she auditioned and I was kinda impressed. Hindi ako na-disappoint sa audition niya,” kwento ni Direk Chito.  “I think she would do justice to the character of Valentina. Janella would not only be capable but also interesting to do that different kind of character.”

Samantala, ipinasilip na rin ng programa ang karakter ni Narda, ang human alter ego ni Darna na ginagampanan ng bidang si Jane de Leon, sa behind-the-scenes video na inilabas ng JRB Creative Production.

Nagdiwang din si Jane ng kanyang ika-23 kaarawan sa set noong Lunes (Nobyembre 22) na masayang ibinahagi ang excitement niya sa pagtatrabaho kasama ang bagong Darna family.

“Importante sa amin na dapat family kaming lahat and not just thinking about work but also thinking of friendships and also relationships namin sa isa’t-isa. The set is light and we’re just enjoying the moment,” kwento ng Kapamilya actress sa naging panayam niya sa Metro.Style.

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with