_pang-masa
^

Pang Movies

Fans, atat matuloy ang pelikula nina Bea at Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Fans, atat matuloy ang pelikula nina Bea at Alden

Wish ng fans ni new Kapuso actress Bea Alonzo and Asia’s Multimedia Star Alden Richards na totoo na ang announcement ni Viva Entertainment executive Vincent del Rosario na magsisimula na sila ng shooting ng movie nilang A Moment to Remember, na based sa hit 2004 Korean movie of the same title, pero may bago na itong title na Special Memory.

Ayon pa sa kanya, naghintay daw sila ng timing para magawa nang maayos ang movie na hindi parang kuwarto-kuwarto lamang ang eksena dahil nga sa pandemic. Ngayong nabawasan na ang restrictions, magagawa na nila itong isang well-crafted movie.

Ang Special Memory ay tungkol sa isang couple whose relationship would be tested when the wife gets diagnosed with early-onset Alzheimer’s disease.

Kapuso, sabay-sabay ang bagong programa

Busy ngayon ang GMA Network sa sunud-sunod na new projects na ginagawa nila. Last Wednesday, pagkatapos mag-quarantine, nagsimula na ng lock-in taping ng book two ng First Yaya na ngayon ay First Lady na. Nagtapos ang first book  nito na kinasal na sina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at ang kanyang first yaya na si Melody (Sanya Lopez).

Nag-post na si Gabby ng ilang eksena ng bagong serye na nasa location na sila sa La Union. Bukod sa original cast, makakasama na rin sina Alice Dixson, Isabel Rivas, Samantha Lopez, Francine Prieto, EA Guzman at Shyr Valdez.

Tamang-tama naman ang story ng First Lady na ipalalabas on time sa coming 2022 presidential election.

Samantala, natuloy na at nagsimula na rin ng lock-in taping ang first team-up nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at new Kapuso actress Beauty Gonzalez, mula sa successful airing ng Descendants of the Sun ni Dingdong at first drama series ni Beauty sa GMA, ang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Magkatambal sina Dingdong at Beauty sa AlterNATE, para sa second season ng drama anthology na I Can See You, kasama sina Joyce Ching, Bryan Benedict, Jackie Lou Blanco at Ricky Davao (na muling magtatambal after a long while). The series is directed by Dominic Zapata, na mapapanood muli simula sa Monday, Nov.  21, 8:50 p.m. sa GMA 7.

Naka-quarantine na rin sa isang hotel sina Glaiza de Castro at new Kapuso leading man Xian Lim at magtutuloy na sila sa lock-in taping ng new series na False Positive (working title) na ididirek ni Irene Villamor. Si direk Irene din ang director ng Love. Die. Repeat ang serye na ginawa nina Jennylyn Mercado at Xian na naka-hold muna ngayon dahil preggy si Jen.

ALDEN RICHARDS BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with