^

Pang Movies

Kim, nangabog sa pag-aming dati nang mayaman ang asawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi pa pala tapos ang isyu ni Kim Atienza dala ng comment niya sa Instagram post ni Camille Prats tungkol sa kapatid nitong si John Prats. Ang layo na nang narating ng isyu at kung anu-ano na ang itinawag kay Kuya Kim dahil sa pagse-shade raw sa It’s Showtime.

Pinakapanalo sa sagot ni Kuya Kim sa Kapamilya fans na nagalit sa kanya at nag-comment ng “Sino si @kuyakim_atienza kung wala ang ABS na nagpasikat at nagpayaman sa kanya?”

Sagot ni Kuya Kim, “Amen sa nagpasikat pero mayaman ang napangasawa ko way before ABS. Kuya Kim became known because of ABS yes.”

Kung may bashers at haters si Kuya Kim, mas marami naman ang nakakaintindi kung bakit siya lumipat at idenedepensa siya sa bashers and haters. “I’m sure these haters have something good deep inside. Frustrated lang. Hayaan nyo na. kailangan ilabas ang mga frustrations at galit sa katawan,” at “Dami mong galit brother. Tight hug para sa pinagdadaanan mo. Be well,” sunud-sunod na sagot ni Kuya Kim.

Pero aminin natin, ang tweet na “mayaman ang napangasawa ko way before ABS,” ang nagdala at naging pasabog sa tweet ni Kuya Kim.

Xian, naka-quarantine na naman

Naka-quarantine na naman si Xian Lim bilang paghahanda sa lock-in taping ng bagong series niya sa GMA-7 na False Positive. Susunod na rito ang taping nina Xian at Glaiza de Castro at iba pang cast na kasama sa series.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Xian ng photos na kasama rito ang larawang ginugupitan siya. “Day 1 quarantine for our new show False Positive. See you in a bit redki @ayrin and @glaizaredux. Getting a new look for my character in the series! Lezzgo.”

Ang False Positive  muna ang gagawin ni Xian habang on hold ang taping ng Love. Die. Repeat  nila ni Jennylyn Mercado at si Irene Villamor din ang director na director ng series nina Xian at Jennylyn. First time magkakasama sa trabaho sina Xian at Glaiza, kaya abangan natin. Next year pa raw ang airing nito.

Sid, naalalang niligawan si Iya

Hindi naman laglagan, kundi bukingan ang nangyari nang mag-guest si The World Between Us  actor Sid Lucero sa Mars Pa More  na sina Camille Prats at Iya Villania ang hosts. Nalaman kasi na unang nanligaw si Sid kay Iya at nagpatulong pa si Sid kay Drew.

Si Drew ang naging tulay sa panliligaw ni Sid kay Iya at hindi niya alam na nililigawan na rin pala ni Drew noon si Iya. Natatawang kinuwento ni Sid na napaisip na lang siya na parang iba ang gusto ni Iya at si Drew na pala ‘yun.

Nagtawanan na lang sina Iya at Sid nang balikan ang chapter na ‘yun ng kanilang buhay na hindi alam ng mom niyang si Bing Pimentel.

Sina Iya at Drew nga ang nagkatuluyan, samantalang si Sid, sabi niya sa mediacon ng The World Between Us, single siya at ang anak na si Halo ang inaasikaso and of course his career.

Bea at Dominic, panay ang ayuda sa fans

Tuwang-tuwa ang shippers nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil tuluy-tuloy ang ayuda sa kanila ng dalawa. Ang ibig sabihin ng ayuda ay ang pag-a-update ng dalawa sa kanilang mga ginagawa at pinupuntahan na bukod sa kilig, updated ang kanilang fans.

Pagyayabang ng BeaDom shippers, hindi na nila kailangang makiusap kina Bea at Dom na bigyan sila ng ayuda dahil kusang ibinibigay ng dalawa. Kaya ayun, nalaman agad ng fans na nagbabakas­yon sa The Farm ang idolo nila.

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with