_pang-masa
^

Pang Movies

Jason, itutuloy ang pag-aaral!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jason, itutuloy ang pag-aaral!

Pinagsasabay pala ni Kapuso actor Jason Abalos ang work niya at studies. The other day, nag-renew si Jason ng another three year exclusive contract sa GMA Network.

Katatapos lamang ni Jason ng lock-in taping ng GMA Afternoon Prime na Las Hermanas. Kaya sinabayan na niya na ituloy na ang kanyang studies.

“Sinamantala ko na ang advantage ng online class, na hindi mo na kailangang magpabalik-balik sa school,” kuwento ni Jason. “Kailangan kong i-take itong opportunity na ‘to. After ng masteral degree, kung saka-sakali, ididiretso  ko na ng doctorate para kung anuman, legacy ko na  iyong makapagturo ako.”

Masaya raw si Jason na nang mapunta siya sa GMA Network ay nabigyan siya ng iba’t ibang roles.

“Binigyan ako ng rom-com, ginawa akong babae, na sobra akong na-excite. Ngayon, ibang klase naman ang role ko sa Las Hermanas na dalawa ang katambal ko, sina Yasmien Kurdi at Jennica Garcia.”

Mapanood ang Las Hermana daily, 2:30 PM, after Eat Bulaga.

Graduate na si Jason ng Bachelor of Science in Civil Engineering. At kung matapos niya ang doctorate niya gusto nga niyang makapagturo sa college.

Julie Anne nag-piano sa sandbar!

Kaabang-abang na ang second leg ng Limitless, A Musical Journey, ni Julie Anne San Jose on Saturday, November 20.

Heal ang second leg ng concert na feature ang Visayas region at ipakikita ang mga magagandang lugar doon. Special guests ni Julie ang Cebuanang The Clash 3 champion na si Jessica Villarubin and her co-host sa The Clash, Rayver Cruz.

Kung sa first leg ng concert ay tumugtog ng guitar si Julie, dito ay tutugtog siya ng piano. Di niya malilimutan kung paano binuhat ng 10 tao ang piano para madala sa  sandbar, na they have to race against time dahil kailangan nilang matapos ang number na iyon bago lumubog ang araw at hindi sila abutan ng high tide.

The concert is under the creative direction of Paolo Valenciano and musical direction of Myke Salomon.

JASON ABALOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with