_pang-masa
^

Pang Movies

Nadine, parang de kahon ang pakiramdam ‘pag nasa Maynila

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Nadine, parang de kahon ang pakiramdam âpag nasa Maynila
Nadine.

Kung wala lang sigurong trabaho sa Manila si Nadine Lustre, sa Siargao na niya gugustu­hing manirahan. Masaya raw siyang manirahan sa Siargao at nakumpara ang buhay niya sa Manila at buhay-probinsya.

“As soon as I arrived in Siargao I already got the feeling that I don’t wanna leave maybe because it’s close to nature. I told my friends I think I wanna live here.

“Everyone is so respectful on the Island. I think they got used to seeing celebrities already. But I don’t really mind (when sometimes they get excited to see me). But now they’re starting to get used to it since I’ve been staying there for awhile now.

“Here in Manila I feel like I live in a box maybe partly because I live in a condo.

Life in Siargao is more simple, everything is so much easier. It’s less complicated. Everyone is so chill, life there is so laid back,” pahayag ni Nadine.

Active pa rin naman ang showbiz career ni Nadine kahit madalas siya sa Siargao. May new single release siya at may pelikulang ginagawa sa Viva Films sa direction ni Yam Laranas.

Isa pa, kahit island girl na si Nadine, 100 percent pa rin ang suporta sa kanya ng kanyang fans at masaya ang fans niya sa buhay niya ngayon, mapa-career at love life.

Xian, Kapuso pa rin

Tuloy pa rin ang pagiging Kapuso ni Xian Lim dahil may kapalit na ang series nila ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat  na kailangan munang itigil ang taping dahil buntis si Jennylyn.

Gagawin muna ni Xian ang mini-series na False Positive  kapareha si Glaiza de Castro. Ang sabi, magsisimula na ang lock-in taping for the said project na sa GMA Telebabad ang time slot.

Romantic-comedy ang tema ng False Positive kaya hindi mabigat panoorin.

Tama lang pala na binisita muna ni Glaiza ang fiancé niyang si Davind Rainey dahil sasabak na uli siya sa trabaho. 

Ashley para nang si Sanya

Ang laking tulong kay Ashley Ortega ng kontrabida role niya sa Legal Wives  dahil napansin siya ng viewers. Kaya kahit galit ang viewers sa karakter niyang si Marriam at may gusto siyang sampalin at sabunutan, thankful pa rin ang aktres.

Si Dennis Trillo nga, kapag gumanap daw siyang kontrabida, si Marriam ang kanyang peg sa pagiging masama. Gusto ng actor na kamuhian siya ng viewers sa pagiging kontrabida gaya nang reaction ng sumubaybay sa Legal Wives.

Paano namang hindi magpapasalamat si Ashley sa pagiging kontrabida sa series, nagkasunud-sunod ang projects niya sa GMA-7, para na siyang si Sanya Lopez na weekly ang guesting.

HT sa kasalang Derek at Ellen, binagay sa kanilang pinagdaanan

Ang ganda ng hashtag ng wedding nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kahapon daw naganap. Romantic ang dating ng HT na #EllentaongnaghintaysiD na totoo naman dahil ilang taon din bago nag-krus ang kanilang mga landas at ilang relasyon muna nagkaroon sila bago sila pagtagpuin ng destiny.

By now, nalaman na kung saan ginanap ang sinabing destination wedding nina Derek at Ellen at nalaman na rin ang buong entourage. Flower girl pala ang anak ni Beauty Gonzales na best friend ni Ellen.

 

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with