^

Pang Movies

Luis at Jessy, nagrerenta muna ng apartment

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Luis at Jessy, nagrerenta muna ng apartment

Ipinapa-renovate ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang bahay kaya nagdesisyon silang magrenta muna pansamantala ng ma­titirhang apartment.

Sa latest vlog niya ay ipinakita nga ni Jessy ang pag-eempake na ginawa pati na rin ang furniture shopping para sa lilipatang bahay.

Tumataginting na umabot sa P200,000 ang nagastos ng mag-asawa sa pamimili ng bagong furnitures.

“Grabe, nawindang ako sa presyo, grabe. Pero okay lang, it’s all worth it,” sey ni Jessy.

Pero sobrang excited na raw sila ni Luis sa renovation ng lumang bahay nila dahil ito na ‘yung dream house nila. “We’re very, very excited kasi, dream house talaga namin ‘to ni Lu, but syempre, ayaw na­ming madaliin, ‘di ba? Kaya kami kumuha ng rental house. But of course, kahit pa rental house, you have to make it a home.

“And ‘yun, sobrang saya namin. We’re just really, really grateful that everything fell into place. Sobrang ganda nu’ng bahay,” aniya

Xian, dumepensa kung bakit ‘di sila ma-PDA ni Kim

Sinagot nina Kim Chiu at Xian Lim ang mga tanong sa kanila ng netizens sa latest vlog ng aktres.

Isa sa mga tanong ay kung ano ang advice nila sa long relationship since as we all know ay isa sila sa pinakamahabang relasyon ngayon sa showbiz.

Para sa KimXi, loyalty and trust daw sa partner ang pinaka-importante para tumagal ang relasyon.

“Loyalty, of course! ‘Yun ‘yung pinaka-ano – loyalty and trust sa partner mo. Loyal ka, loyal ‘yung partner mo, and then, mayroon kang tiwala sa partner mo na hindi siya gagawa ng kalokohan,” ani Kim.

“Iwas sa mga duda-duda, ganyan-ganyan. Selos-selos for sometimes,” dagdag pa ni Chinita Princess.

Umayon naman si Xian at dinugtong din niyang “it’s your duty and obligation as a boyfriend and as a girlfriend. It’s a duty and obligation to make each other happy every single day.”

May nagtanong naman kay Kim kung bakit nahihiya siyang magsabi ng “I love you” kay Xian at kinontra ito ng aktor. “Huh? Parang sagana ako sa ‘I love you.’ Saan n’yo po nakuha ‘yung idea na nahihiya si Kim na mag-I love you?” sey ni Xi.

“Tiba-tiba pa nga ako sa ‘I love you’ ni Kim,” hirit pa ng aktor.

Ipinaliwanag din ng magdyowa na hindi lang daw sila mahilig sa PDA (public display of affection).

“Hindi tayo ma-PDA. Because I think, ‘yun tayo, eh. That’s our type of relationship namin, hindi kami ma-PDA,” anang aktor. Pero alam na namin ‘yun sa isat-isa, ‘di ba Xi?” sabi naman ni Kim.

Natanong din kung ilang years na ang kanilang relasyon at sey nila, secret na lang daw.

“Mas maganda hindi na magbibilang,” sambit ni Kim. Hanggang 4 lang daw ang pagbibilang dahil ang kasunod no’n ay forever na.

Sa tanong kung may project ba for KimXi very soon, ayon sa magdyowa ay naghihintay pa raw sila ng magandang materyal na magiging gift nila para sa kanilang fans.

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with