^

Pang Movies

Jon Guelas, may hatid na bagong heartbreak anthem

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabalik-tanaw ang Filipino-British singer-songwriter na si Jon Guelas sa mga posibilidad ng nakaraang relasyon sa kantang Did I Let You Go, na mapapakinggan na simula Biyernes (Nov. 5).

Nagsimula ang bagong Tarsier Records artist ng kanyang singing career bilang contestant ng The X Factor UK taong 2018. Dito, naging bahagi siya ng boyband na United Vibe, na nagbigay pagkakataon para makapag-perform siya sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Simula nang lisanin niya ang grupo sa pagsisimula ng 2021, sumabak na si Jon bilang solo artist at naglunsad ng mga awiting Wonderland at Out of Love.

Ang honest-to-goodness song na Did I Let You Go ang unang proyekto niya sa ilalim ng Tarsier Records, isang record label ng ABS-CBN Music na naglalayong ibida ang tunog Pinoy sa buong mundo.

“The song was inspired by a breakup, thinking about a relationship I let just slip out of my hands. I try to write from an honest and real perspective and I guess, heartbreak is really where most of that comes from,” ani Jon.

“I’ve held onto this song for over a year now and I think it’s finally time to let go and release it to the world,” dagdag pa niya.

Tinatayang susunod na heartbreak anthem ang Did I Let You Go tampok ang magandang boses ni Jon.

Abangan ang Did I Let You Go ni Jon na mapapakinggan na sa iba’t ibang digital platforms simula 12:01 a.m. sa Biyernes (Nov. 5).

SONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with