^

Pang Movies

LJ at Kylie nakaka-Recover na, Yen at AJ limas pa rin ang IG page

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
LJ at Kylie nakaka-Recover na, Yen at AJ limas pa rin ang IG page

Pareho pa ring zero post sina Yen Santos and AJ Raval na winalis ang kanilang mga post matapos masangkot sa kontrobersiya ng third party.

Si Yen kina Paolo Contis and LJ Reyes at si AJ kina Aljur Abrenica and Kylie Padilla.

Pero kung hindi nagsalita ng anything si Yen, bago naman nagtanggal ng mga post si AJ ay itinanggi niya ang mga paratang na pang-aagaw sa aktor.

At sina LJ at Kylie, mukha namang naka-recover na.

Si LJ todo workout habang nasa New York kasama ang anak na super kyut, si Summer, at andun din si Aki.

Si Kylie naman ay ganundin, parang nakaka-move on.

At pareho rin silang nag-decide na ‘wag siraan sina Paolo at Aljur alang-alang sa kanilang mga anak.

At hindi man mga superstar ang status nila, naging national issue naman ang naging kapalaran ng kanilang lovelife.

Ang tanong ngayon, sino kaya ang susunod na pagpi-piyestahan sa social media para may pag-usapan?

Noli de Castro buhay, sa social media lang pinatay!

May paramdam nga ba na babalik sa ABS-CBN si Noli de Castro na nag-back out sa pagkandidatong senador para sa 2022?

May ini-upload siyang video kahapon na animo’y throwback sa kanyang radio show sa Teleradyo.

Pero maugong din ang chikang, papalitan nito ni Raffy Tulfo sa Radyo Singko at maging sa programa nito sa TV5.

Ang huling narinig ko kasi, malabo na si Kabayan na makabalik sa dati niyang programa sa Kapamilya channel unless nga nagkaroon ng changes sa desisyon ng management ng ABS-CBN.

Samantala, hinuhulaang mas hahaba pa ang buhay ni Kabayan Noli.

Ito ay matapos kumalat ang pekeng balita na namatay na siya sa social media.

Post ni Kat de Castro : “Hi everyone. My Dad’s absolutely fine. We just had dinner.”

AJ RAVAL

YEN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with