^

Pang Movies

Reunion ng Eraserheads, fake news!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Reunion ng Eraserheads, fake news!

Naging biktima lang pala sila ng joke-joke. Naniwala kasi sila sa isang social media post na kung iyon daw kinukumbinsi nilang kumandidato ay talagang tatakbo na nga, magkakaroon ng reunion concert ang dating sikat na bandang Eraserheads. Mismong ang vocalist at kinikilalang band leader na si Ely Buendia ang nagsabi noon sa isang “confirmed account.”

Ngayon nang tumakbo na nga si VP Leni Robredo, nagsimula na ang fans na magtanong, kailan naman ang reunion concert ng Eraserheads, iyon pala ay wala naman talaga at “joke” nga lang daw iyon ni Ely Buendia.

Maaaring gusto lang niyang malaman kung malakas pa rin ang following ng Eraserheads kaya niya sinabi ang ganoon.

Positibo naman ang reaksiyon ng fans pero may nagtatanong, bakit kailangan pa ng fake news? Bakit kailangan pang magpaasa?

Talagang wala silang kaplano-plano na buuin ulit ang grupo. Ang kanilang drummer na si Raymund Marasigan ay nagsabi ring wala siyang alam na ganung plano.

Maraming ganyan sa social media, hindi lahat ay totoo. Hindi mo alam ang tunay na intentions ng nagpo-post.

Iyan ang kaibahan ng social media sa lehitimong media na kagaya ng mga diyaryo o mga website nila. Sa lehitimong diyaryo, ang intensiyon lamang ay ihatid ang mga balita, at kung magkamali, pananagutan namin iyon. Sa social media ang maririnig mo lang basta nabuko ay “akala ko eh,” o kaya ay “joke lang iyon.”

Female personality, walang kasuwerte-suwerte sa Pulitika

Mahilig din kasing sumuporta si Ate sa mga pulitiko niyang kaanak, ang masakit lang, lately ay puro walang suwerte ang kanyang nasusuportahan. Buo ang paniwala niya noong nakaraang eleksiyon na mananalo ang kanyang kandidato, pero nang halos maubos na ang pera niya, nalaman niyang tagilid pa pala iyon hanggang sa natalo nga. Akala ng marami madadala na siya, pero hindi pa pala.

Ngayon iniipon na daw ni Ate ang lahat ng kanyang resources para masuportahan ang kanyang kandidato na sa tingin naman ng marami ay walang kapana-panalo talaga, hindi man maglabas ng saku-sakong pera ang mga kalaban niya. Pero si Ate, maglabas man ng timba-timbang pera ngayon, wala pa ring panalo ang kandidato niya.

Kaya tiyak iyan, pagkatapos ng eleksiyon wala na namang kapera-pera si Ate.

Mas mabuti pa maglaro na lang siya ng betu-beto, may jackpot pa roon, pero iyang nakakahiligan niya, walang kapana-panalo riyan.

ELY BUENDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with