^

Pang Movies

Tatay ni Angel, gumaling sa COVID!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tatay ni Angel, gumaling sa COVID!

Marami ang natuwa na makitang nakaka-recover na ang ama ni Angel Locsin mula sa COVID-19. Ibinahagi ng aktres sa kanyang latest vlog ang video ng tatay na naka-confine pa rin sa ospital pero makikitang malakas na. “’Eto ‘yung tatay ko, matigas ang ulo, nage-exercise na,” ani Angel.

Dagdag pa niya, “isipin mo, 94 years old, na-survive niya ‘yung World War II, nasurvive rin niya ang COVID.”

Sa nasabing video ay nagbahagi rin ng kanyang inspiring advices si Angel na lubhang napapanahon dahil nga sa pandemyang nararanasan natin ngayon.

Mayor Goma,18 years naging Kapamilya

Nangako si Ormoc Mayor Richard Gomez na kung mahahalal siya bilang Congressman sa darating na eleksyon ay tutulungan niyang magkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN.

As we all know ay nagdeklara na ang aktor/pulitiko na tatakbo siyang Representative ng 4th district ng Leyte.

Ayon kay Goma sa kanyang panayam kay Kat Domingo ng ABS-CBN, malaki raw ang utang na loob niya sa network kung saan ay 18 years daw siyang nagtrabaho.

“I am not Richard Gomez now without ABS-CBN,” pahayag ni Goma.

“If the good Lord will bless me with a chance of winning in Congress, I want to work on helping bri­nging back ABS-CBN,” deklara niya.

Matagal naman ding talagang naging Kapamilya si Goma at napakarami niyang nagawang proyekto sa network at pelikula rin sa Star Cinema.

Matatandaan ding ang kauna-unahan niyang regular show ay sa ABS-CBN din, ang Palibhasa Lalake.

Well, sana nga ay makatulong si Mayor Goma na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN kung sakaling mananalo siya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with