_pang-masa
^

Pang Movies

Jane, may kilig at kaba sa pagsabak sa taping ng Darna

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jane, may kilig at kaba sa pagsabak sa taping ng Darna
Jane.

Ngayong Nobyembre na pala magsisimula ang taping ng Darna: The TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon, kaya’t halo-halo na ang emosyong nararamdaman ng aktres na busy nang naghahanda para bigyang-buhay ang tumatak na Pinay superhero.

“Kinikilig ako na excited na kinakabahan sa totoo lang. Iba pa rin ang pakiramdam kapag malapit na kasi malapit na talaga kaming magsimula,” ani Jane sa naging eksklusibong panayam niya sa TV Patrol.

Ayon sa Kapamilya actress, patuloy ang pagwo-workout at pagda-diet niya para sa gagam­panang papel. Kinuwento rin niya ang naramdaman noong sinukat niya ang costume na gagamitin sa prog­rama.

“Actually nakapagfit na ako ng costume. Naiyak ako, ‘yung feeling na nilalagay na sa akin ‘yung headdress. Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na,” sabi pa ni Jane.

Kasabay ng pagti-training para sa programa ang paggunita sa ika-115 birth anniversary ng Darna creator na si Mars Ravelo sa darating na Oktubre 9 kaya’t ibinahagi rin ng aktres ang pagpapasalamat niya sa pagkakataong magampanan ang natatanging karakter. Aniya, “Gusto kong pasalamatan ang Ravelo family sa ‘di matatawarang legacy na paglikha sa superhero natin na si Darna at sa pagtitiwala sa akin na ibigay ang bato. Maraming salamat po.”

Nabanggit din sa nasabing report na papangalanan na ang magiging director ng serye sa susunod na Linggo.

Teka may issue kay Jane ‘di ba. Sagutin kaya niya?

 

JANE DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with