_pang-masa
^

Pang Movies

Claudine, kakandidata sa Olongapo?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Claudine, kakandidata sa Olongapo?

Papasukin na rin ba ni Claudine Barretto ang pulitika? May tarpaulin kasi na inilabas na may nakasulat na Bangon Olongapo 2022 at kasama ang pangalan ni Claudine sa mga tatakbo. Hindi sinabi ang position na kanyang tatakbuhan, pero nasa hilera siya ng mga tatakbong konsehal.

Isa pang nakagugulat, ang tatakbong mayor sa partido na kasama si Claudine ay ang talent manager na si Arnold Vegafria. Ang kakandidato namang congresswoman ay si Mitos Magsaysay.

Ang tanong, legit ba ito o isa na namang fake news? Kakayanin ba ni Claudine ang pulitika? Kung bakit sa Olongapo siya tatakbo dahil ito sa taga-Olongapo yata ang mga Barretto at may bahay sila roon. Kung legit ang balitang ito, siguradong babak-apan ni Gretchen Barretto ang kandidatura ng kanyang kapatid.

Friends star Jennifer Aniston, pinusuan ang post ni Maxene

Hindi lang si Maxene Magalona ang nag-fangirling nang pusuan ni Jennifer Aniston ang Instagram post ni Max tungkol sa Hollywood actress at kung paano siya naging fan ng TV show na Friends na isa sa cast si Aniston. Kung paano minahal ni Max ang character ni Aniston na si Rachel Greene at kung paano niya ito naging inspirasyon.

Tinag ni Maxene si Aniston sa kanyang post na actually, ang tinumbok ay ang haircare na LolaVie. Nabasa ng Hollywood actress ang post ni Maxene, pinusuan, kaya nag-comment si Maxene ng “@jenniferaniston I love you so much. Thank you for being YOU.”

Ang daming natuwa na in-acknowledge ni Aniston si Maxene, ang daming nakisakay at napa-“OMG.” Si Angelica Panganiban nga, hahanapan daw ng frame ang post ni Aniston ng heart emoji at naglabasan ang fans ni Aniston sa showbiz at netizens. Wish ng fans, nagre-reply lahat ng Hollywood celebrities na kanilang tina-tag para raw matuwa naman sila.

Pancho, busy sa serye ni Max

Effective ang ginawa ng GMA 7 na isama sa promo campaign ng To Have and To Hold ang plugging ni Pancho Magno na kung saan, binanggit na maganda ang teleserye na may world premiere na sa Monday, Sept. 27, pagkatapos ng Legal Wives.

Dahil sa plugging na ‘yun ni Pancho, nawala ang paniniwala ng netizens na hiwalay na sila ng asawang si Max Collins. Kaya, kampante na uli sila na buo pa rin ang pamilya ng baby boy nilang si Skye.

And speaking of Max, para sa followers niya sa Instagram, laging panalo ang post ng Kapuso actress na naka-swimsuit. Iba raw ang dating ni Max kapag rumampa na sa IG in her two-piece, tanong tuloy ng fans nito, kung may mga eksena siya sa To Have and To Hold na naka-two piece. Ang alam namin, may Jacuzzi scene sila ni Rocco Nacino na gaganap na husband niya sa teleserye.

Mikee, nanguna ang kanta sa iTUNES Ph

Sinuportahan ng kanyang fans ang debut single release ni Mikee Quintos na Just Enough dahil sa first day when the single was release, nag-number one sa iTunes Philippines. Kasama rin ang single sa Fresh Finds Philippines ng Spotify.

Sa kanyang mediacon, hindi pa nagsi-sink in kay Mikee ang magandang balita at later that day pa raw siya magre-react. Pinasalamatan muna nito ang GMA Playlist, sub-label ng GMA Music kung saan siya nakakontrata at ang composer ng song na si Roxy Fabian.

Si Mikee ang first artist ng GMA Playlist na nag-release ng single and describe the single as “bubble pop” and if you listen to Just Enough, malalaman kung ano ang ibig sabihin nito. Pinaaabangan din ni Mikee ang gagawing music video for her single.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with