^

Pang Movies

Congw. Vilma, kakandidatosa ilalim ng partido ni Mayor Isko

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Congw. Vilma, kakandidatosa ilalim ng partido ni Mayor Isko
Vilma

Baka tumakbong senador sa 2022 national elections si Congw. Vilma Santos-Recto, ito ang nabanggit ni Senator Ralph Recto sa isang interview. Ayon pa kay Sen. Ralph, mag-i-issue sila ng official statement pagkatapos magdeklara sa kanyang presidential bid si Manila City Mayor Isko Moreno.

Kahapon nagdeklara ng kanyang kandidatura si Isko na ang magiging VP ay si Doctor Willie Ong. Ibig sabihin, baka ngayong araw mag-issue na ng official statement si Vilma at pati na rin siguro si Sen. Ralph na baka pumalit kay Vilma na representative ng 6th district ng Batangas dahil tatakbo ngang senador si Vilma sa party ni Isko.

Sino kaya ang susunod kina Sen. Ralph at Vilma na magpapahayag ng suporta sa isang presidentiable?

Abangan natin kung sino ang mga susuporta kina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson na ka-tandem si Senate President Tito Sotto.

Rocco, kayang patawarin ang naglokong partner

Aliw si Rocco Nacino sa mediacon ng To Have and To Hold, may iniisip yata kaya ilang beses nitong ipinaulit sa press ang tanong dahil hindi narinig o hindi naintindihan dahil may iniisip nga.

Anyway, idinaan sa biro ni Rocco ang sagot sa tanong kung ano ang masasabi niya na ang role niyang si Gavin ay originally offered to Derek Ramsay, nag-beg off si Derek. Mabuti at hindi pa nagsisimula ang taping ng Artikulo 247  na dapat gagawin ni Rocco, kaya mabilis siyang inilipat sa To Have and To Hold  sa role ng workaholic chef husband of Dominique (Max Collins).

Kunwari, hindi alam ni Rocco na sa kanya ibi­nigay ang role ni Derek, pero hindi na siya nahirapan dahil na-experience na niya ang lock-in taping nang mag-guest sa Owe My Love. “I was ready and I was drawn to the character and I’m glad I did this. Ang dami kong natutunan sa character ni Gavin na ma-a-apply ko sa sarili ko dahil I’m just starting a family,” sabi ni Rocco.

Dadaan sa malaking problema ang buhay mag-asawa nina Gavin at Dominique.

In real life ba, kapag nag-cheat sa kanya ang kanyang partner, mapapatawad ba niya?

“Magpapatawad ako because you also embrace that ugly part of your partner,” sagot ni Rocco.

Sa Sept. 27, pagkatapos ng Legal Wives ang world premiere ng To Have and To Hold sa direction ni Don Michael Perez na director din ng pinag-usapang Love of My Life.

Rico, nagpakilig sa birthday ni Maris

Marami ang bumati ng happy birthday kay Maris Racal na 24th birthday noong Sept. 22, pero siguradong ang birthday greetings ng boyfriend niyang si Rico Blanco ang pinaka-espesyal kahit short message lang. “Happy birthday madam. love you so much po,” lang ang birthday message ni Rico, pero ang da­ming photos ni Maris ang pinost at kasama roon ang larawan nilang nakahilig si Maris sa dibdib ni Rico.

Kaya tama na ang pagka-bitter ng ibang fans ni Maris na ayaw kay Rico dahil sa age gap. Mas gusto ng fans ni Maris si Joshua Garcia, pero ang tanong, nanligaw ba si Joshua kay Maris?

Mas marami namang pabor kay Rico para kay Maris, pinusuan ang birthday greetings niya nina Ogie Alcasid, Chito Miranda, Aubrey Miles, Valeen Montenegro, Ebe Dancel, Shaira Luna, at marami pang iba. 

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with