^

Pang Movies

Apology pinagtaasan ng kilay ni Lolit Solis, Paolo walang ­kaibigang lalaki? aktor wala raw sa kalingkingan ni Gabby!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Apology pinagtaasan ng kilay ni Lolit Solis, Paolo walang ­kaibigang lalaki? aktor wala raw sa kalingkingan ni Gabby!
Paolo

Aliw ang comment ni Nay Lolit Solis sa apology ng alaga niyang si Paolo Contis na hindi ito nagmana kay Gabby Concepcion na maraming pinakasalan pero never nag-apologize.

Hahaha.

Sa column ni Nay Lolit sa Pilipino Star NGAYON, sinabi rin niyang : “Eh kung tutuusin wala sa kalingkingan ni Gabby Concepcion si Paolo. Ilang babae iyon? Ilang anak? Pero hindi ganyan ang reaction.”

Hindi raw dapat nag-a-apologize kung ang ginawa mo ay maganda ang intention pero hindi kasalanan na hindi naging maganda ang resulta.

“‘Yung apology is the highest form of humility, hindi mo basta sinasabi, dapat talagang bukal sa loob mo. Timing is very important sa lahat ng bagay, lalo pa sa crisis management. Hindi mo sinasalubong dapat ‘yung galit na one track mind lang, na kahit ano pa ang gawin mo for the moment hindi maiintindihan ng mga taong galit.  Hintayin mong mag-subside ang galit, saka ka magpaliwanag. Timing. Iyan ang lagi mong tatandaan.

“Maganda ‘yung composition ng paliwanag ni Paolo Contis. Bagbag damdamin mo. Isa lang ang hindi ko naintindihan, ‘yung kailangan niya ng kausap dahil nga sa mga nangyayari sa kanya ngayon, bakit si Yen Santos ang tinawagan niya? Wala ba siyang kaibigang lalaki? Hindi ba kadalasan, ang gusto mong ka-jamming ay kapwa mo lalaki dahil ito ang higit na mas makakaunawa sa iyo dahil pareho kayo ng gender?

“Doon lang talaga tumaas ang kilay ko, why Yen Santos, mother figure? BFF? Why her?”

Well, may punto naman talaga na bakit, sino bang BFF ni Paolo sa showbiz? Hahaha.

Anyway, dami nang nakaki-ride sa issue ha. As if talagang national issue na ang ginawa ni Paolo.

Nanatili naman namang tahimik si Yen habang si LJ Reyes ay wala pa uling sinasabi pagkatapos ng interview niya kay Tito Boy Abunda last week.

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with