_pang-masa
^

Pang Movies

Pamilya ni Camille, sa bagong bahay na magpapasko!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Thankful si Kapuso actress-host Camille Prats sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Bukod kasi sa daily morning show nila ni Iya Villania, ang Mars Pa More, muling ibinalik ng GMA Network ang edu-entertainment program ng GMA Public Affairs na Makulay Ang Buhay na nagsimula nilang i-shoot last year, during the  pandemic para sa mga Filipino children na nagtuturo sa kanila ng benefits sa pagkain ng healthy food. Kasama ni Camille ang puppets na sina Benjie at Penpen tuwing Sa­turday, 9:45 a.m. at tuwing Martes, 8:00 a.m. sa GMA 7.

Samantala, sa virtual interview, Camille shared na malamang daw ay mag-celebrate na sila ng Christmas sa five-storey dream house nila ng husband na si VJ Yambao at mga anak nilang sina Nathan (sa first husband niya) at Nolan and Nala.

Jennylyn at Dennis, may bagong business!

Kakasimula pa lang ng lock-in taping ni Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ng Love. Die. Repeat. na first team-up nila ng new Kapuso actor na si Xian Lim sa GMA Network. At free naman ang boyfriend na si Dennis Trillo na hindi pa umaalis para mag-attend ng Venice International Film Festival.

Maraming nagulat nang mag-post si Jennylyn Mercado ng photos ng contract signing nila ni Dennis, with the caption na “A new family business is in the works! Revealing soon.”

Pero hindi pa sinabi nina Jennylyn kung ano ang family business na kanilang sisimulan. Isa raw itong corporation na gagawa ng mga product for retail and through e-commerce. Balak nilang simulan ito sa susunod na buwan, sa October.

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with