^

Pang Movies

Pakikiramay ni Aga, nahaluan ng intriga!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pakikiramay ni Aga, nahaluan ng intriga!

Pinigilan si Aga Muhlach ng ibang followers niya na pumatol nang mag-post  na : “Pinagbigyan ko Lang kayo ngayon. Sa susunod papatulan ko kayo! Dami niyong magagaling! Pati pakikiramay ko sa kaibigan ko pakikiilaman niyo! Gagawa pa kayo ng issue! Mahiya kayo!”

May ilan yatang nang-intriga kay Aga nang i-post niya ang pakikiramay sa pagpanaw ng magaling na photographer na si Raymund Isaac matapos niya itong burahin.

Si Lea Salonga naman ay may post ding “Going to stay off social media for the rest of the night. Seeing news that’s making me angry. It’s also making me question my friendships.”

But anyway, apektado ang maraming celebrity sa pagpanaw ni Raymund tulad ni Dawn Zulueta na since 1986 pa pala ang friendship.

Umaapaw sa social media ang kanilang pakikiramay sa maagang pagpanaw ng ace photographer dahil sa COVID habang nasa Amerika.

Luis at Jessy, sa sariling farm pala sana ang kasal

Tuloy na raw talaga sa Senado si Cong. Vilma Santos. Mismong ang ka-partido niya ang nagkumpirma tungkol dito. Habang ang husband naman niyang si Sen. Ralph Recto ang diumano’y papalit sa kanya sa Congress.

Nakalatag na diumano ang plano.

Kung sabagay, kayang-kaya ni Ate Vi ang Senado.  Hindi tainted ang image ni Ate Vi sa pulitika kaya naman sigurado na siya na magiging senador sa 2022.

Marami raw humihirit na sa mas mataas na posisyon siya kumandidato, pero malabo raw ‘yung mangyari ayon sa kanyang isang kapartido.

Samantala, lately ay visible si Ate Vi sa social media.

At ang latest appearance ni Ate Vi ay sa vlog ng daughter-in-law niyang si Jessy Mendiola kung saan nag-tour sila sa farm ni momskie Vilma. At doon pala dapat ikakasal sina Luis and Jessy. Kaya naman nag-reenact sina Luis ang Jessy kunyari ng kasal nila sa The Farm last April.

Dream daw talaga raw ng Star for All Seasons na magkaroon ng farm at gusto rin daw ni Luis kumuha ng farm doon. “Dream ko talaga magkaroon ng farm, ‘yung may mga tanim, ‘yung meron kang naha-harvest, may mga birds, may mga hayop. Talagang ‘yun ang dream ko matagal na, matagal na,” sagot ni Ate Vi kay Jessy na sabi ni Luis sa ganda ay gusto na niyang hingin na ginawa na lang joke.

“‘Yun ‘yung ginawa ni Ralph. Siya lahat iyan, in fairness to him. Ito ‘yung regalo ni Ralph. Siya ang may idea ng lahat na ito. Basta gusto ko farm para may time to relax,” chika niya sa kanyang manugang.

Good weather daw kasi sa Lipa at malamig talaga dahil katabi nila ang Mt. Malarayat.

At ang bongga meron silang food truck sa nasabing farm na pag may mga affair sila doon sila nagluluto ng mga pagkain na umiikot pala sa iba’t ibang lugar.

Ang laki ng farm ni Ate Vi at ang gaganda ng mga halaman at ang daming hayop.

AGA MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user