^

Pang Movies

Lian Paz ayaw nang sumali, kasal kay Paolo hindi pa annulled!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lian Paz ayaw nang sumali, kasal kay Paolo hindi pa annulled!

Si Lian Paz ang naalala ng lahat sa nangyari kina LJ Reyes and Paolo Contis lalo na nga at September 2012 din pala naghiwalay ang former Eb babes at ang actor.

Yup, September. What a coincidence nga naman.

Exactly yesterday din nang lumabas ang photo nina Lian and LJ na magkasama sa taping ng Prinsesa ng Buhay Ko starring Aljur Abrenica and Kris Bernal noong 2013, a year after ng separation nina Paolo ang Lian.

September din nang humagulgol ng iyak si Lian kay Butch Francisco sa Startalk at September 1 din todo ang naging iyak ni LJ kay tito Boy.

Maaalalang pinag-usapan din noong September 2012 ang hiwalayan ng mag-asawang Paolo at Lian.

Pero mas matagal ang pagsasama nina LJ and Paolo dahil ayon sa Google (hahaha), halos apat na taon lang nagsama sina Lian at Paolo at nagkaroon ng dalawang anak— sina Xonia, 11, at Xalene, 10, habang sina Paolo at LJ ay six years.

Kinasal noon sa Huwes sina Paolo at Lian at maaalalang siniwalat noon ni Lian na nag-alsa balutan ang aktor sa kanilang bahay.  Flashback : sa isang interview ni Lian ay sinabi niyang “I think the real reason is magulong masyado ang isip niya, una sa lahat. And then, yung finances, magulo talaga. He doesn’t know how to hold money talaga, e. So yung mga problemang dumadating sa amin about that, pati talaga ako ngayon, talagang sobrang nadadamay ako sa lahat-lahat.

“And ang hirap on my part kasi mag-isa ako, e. Mag-isa ako sa mga anak ko, mag-isa akong bumubuhay sa kanilang dalawa.”

 Kaya parang deja vu raw talaga ang mga naganap kina Paolo at LJ dahil in a nutshell ganito rin ang mga sinabi ni LJ kay tito Boy.

Ayon pa sa source, two years old din ang daughter nila ni Lian nang maghiwalay sila ng aktor.

At ang huling kita ng actor sa anak kay Lian ayon pa sa source ay nung dumalaw sila sa Cebu ni LJ, kung saan hiniram daw nito ang kids for a day out na naging paramdam daw dahil since naghiwalay sila ni Lian ay wala na talagang communication ang dalawang anak sa ama nito.

Anyhow, maayos ang buhay ni Lian sa Cebu with her new partner John Cabahug. Former basketball player si John at isang businessman sa Cebu.

Sinubukan kong tanungin si Lian tungkol dito pero ‘di agad siya sumagot though ayon sa isang malapit sa kanya sobrang suwerte nito kay John dahil bukod sa stable financially si John talaga raw itinuring nitong sariling anak sina Xonia and Xalene na makikita naman sa kanilang social media accounts.

Up to now, ongoing pa ang annulment case nila. Wala pa raw decision ang court sa ifinile nilang annulment. “Hindi pa tapos ang annulment namin with Paolo. But John proposed and sabi niya nga, What is delayed is not denied, papel lang daw yun. Kasal na daw kami hehehehe,” ito lang ang tanong ko na sinagot ni Lian via FB messenger.

May daughter sila nila ni John, si Niña Angela, 5 years old.

Kumusta naman sila ni John at mga anak nila? “Okay po mga bata. Eto po nasa bahay lang, pandemic kasi. Me and John decided to renovate their rooms. Kaya where all sleeping in 1 room , tabi tabi. Ang saya. Movie nights , food trips, hahaha! Laki na kasi nila eh. Nakakabond na talaga namin,” chat ng dating Eb babes / dancer.

Pero nang subukan kong magtanong about Paolo ay ayaw na nitong sumagot. “Sa totoo lang, ayoko talaga madamay kasi ang tagal ko na quiet life here sa Cebu,” aniya. Dagdag niya pa : “God is so powerful Miss Salve. He is mighty! He is so loving. Sobra yung heart ko. Ang sarap magmahal ng Diyos. Dati kasi parang ako pa ang may kasalanan. Grabe ang batikos sa akin kahit sobrang sakit at hirap ng dinaanan ko. Kaya i chose a quiet life, left showbiz  and move on sa buhay ko with the kids. If that did not happen to me, probably i wont Meet John.”

Wini-wish ng fans na sana ay makahanap din si LJ ng tulad ni John.

vuukle comment

LIAN PAZ

LJ REYES

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with