^

Pang Movies

Marami raw iba pang nadiskubre LJ, binunyag na ‘third party’ ang rason ng hiwalayan nila ni Paolo!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Marami raw iba pang nadiskubre LJ, binunyag na âthird partyâ ang rason ng hiwalayan nila ni Paolo!

Nagsabi si LJ Reyes na matindi ang pinagdaanan niya sa naganap na hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Ito ay matapos ang interview ni LJ kay tito Boy Abunda tungkol sa pinag-uusapang hiwalayan nila ng actor. “It was so difficult, it was so painful,” pag-amin ni LJ sa digital program ni tito Boy na The Interviewer na mabilis na naging hot item sa social media kahapon.

Ayon pa kay LJ, “Siguro tito Boy kung hindi malakas ’yung pananam­palataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin, kung hindi matibay ang pagmamahal ko sa mga anak ko para maging motivation siya sa akin, to stand up and wake up everyday, hindi ko alam kung saan ako pupulutin,” sabi pa ng aktres na may isang anak kay Paolo, si Summer, na kasalukuyang nasa New York kasama si Aki (father : Paulo Avelino).

At kung may third party man daw na pinag-uusapan, least concern niya ito.

Ang sinasabi ni LJ ay ang mga anak na nila ang nagawan ng kasalanan kaya kinakailangan na nitong ilayo ang mga ito papunta ng New York.

Pero ayaw na niyang idetalye kung ano ‘yun. Basta ayaw na lang daw niyang gamitin ni Paolo ang mga anak nila at maiba ang mga kuwento.

For the past two months, sinabi ni LJ na ang daming revelations, ang dami niyang mga na-uncover at ang nagpapatulog lang sa kanya ay ang worship songs at minsan daw ay binabangungot na siya sa mga nadiskubre niya kay Paolo.

May mga tao raw na nagmi-message sa kanya na may sightings at hindi raw siya puwedeng magkamali rito.

Sinabi rin ni LJ na hindi mutual ang naging hiwalayan nila.

Maraming beses din daw niyang tinanong ito at sinasabi raw ni Paolo na ‘akala mo lang ‘yun.’

Binura na rin ni LJ ang lahat ng photos ni Paolo sa kanyang Instagram account.

Ayon pa kay LJ, hindi niya lang masabi kung ano ‘yun pero, sobrang sakit daw. At nang tanungin siya kung third party, ‘di niya diretsahang sinabi pero ang dami niyang nailuha.

Hindi na nga raw umuwi si Paolo sa bahay nila ni LJ matapos ang lock-in taping nila ng I Left My Heart ni Sorsogon at sa bahay na ng parents niya ito dumiretso sa Mandaluyong ayon sa isang source.

Nasabay ang paglutang ng issue ng kanilang hiwalayan nang ipalabas ang A Faraway Land nina Paolo and Yen Santos.

Ayon kay LJ, kumapit siya sa Diyos kaya nakayanan niya ang lahat at hindi raw niya lubos akalain na masasaktan siya at ang mga bata ng ganun kagrabe dahil umasa siya sa isang buong pamilya.

Sobra ang iyak ni LJ sa nasabing interview.

At pagdating talaga sa sensitive issues, walang tatalo sa husay mag-interview ni tito Boy Abunda.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot si Paolo sa mga rebelasyon ni LJ.

LJ REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with