^

Pang Movies

Coco, tinupad ang pangako noon pa kay Julia

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Coco, tinupad ang pangako noon pa kay Julia

Mabuti naman at tinupad ni Coco Martin ang pangako kay Julia Montes na ipapasok sa huling yugto ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaya mukhang mapapasabak si Lorna Tolentino kay Julia laban sa paghahasik ng droga sa Pilipinas.

Policewoman si Julia at kayang-kaya niya si Lorna.

Maraming mga nanay ang naaasar na kay Lorna dahil pulos droga ang eksena.

May karma raw na darating kay Lorna dahil sa pagpapahirap niya kay Rowell Santiago na iniilusyon pa naman niyang maging First lady ng aktor.

Bad influence raw si Lorna sa mga anak nilang nanonood ng Ang Probinsyano dahil kung ‘di droga ay patayan ang pinag-uusapan.

Kahit si Richard Guttierez ay tinutulak nila sa kasamaan. Nagiging brutal tuloy sa pagpatay si Richard sa mga kasamahan sa grupo.

Kasal nina Ellen at Derek, drawing lang?!

Masuwerte si Andrea Torres dahil natuloy siyang pakasalan ni Dennis Trillo sa Legal Wives. Ang suwerte  naman ni Dennis na ang gaganda ng mga babaeng pakasalan siya sa ipalalabas na teleserye ng GMA 7.

Teka, ano na ba ang nangyari sa wedding nina Ellen Adarna at Derek Ramsay, nauwi nga ba sa drawing?

O totohanan na?

Birthday Greetings...

Happy Birthday sa mga August-born: Mother Lily Monteverde, 24 Oras newscaster Mel Tiang­co, Sen. Lito Lapid, Phillip Salvador, the late Amalia Fuentes at former US president Barack Obama.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with