^

Pang Movies

Mga sinehan, wala pa ring tsansang magbukas!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung bubuksan ang mga sinehan, dapat ang ipapalabas nilang pelikula ay iyong malalaki talaga at sikat ang mga artista,” umpisa ng kausap ko.

“Hindi natin maikakaila, at sino mang alam ang industriyang ito na ang talagang come on ng mga pelikula ay artista. Kahit anong ganda pa ng pelikula mo, kung walang sikat na artista hindi kikita. Kung bubuksan nila ang mga sinehan na ang ipalalabas nila ay mga indie lang, huwag na muna,” opinyon uli ng kausap ko.

“Una, sinasabi nila 25% lang ng capacity ang papayagan. Ang isang sinehan sa mall, naglalaman ng mga 400, ibig sabihin 100 lang per screening. Bubuksan mo ang aircon ng isang oras bago ang screening mo, hindi mo puwedeng patayin iyan in between screenings. Ibig sabihin kung full capacity ka man, kikita ka lang ng mga 30 thousand isang screening. Magkano na ang kuryente mo, suweldo ng tao, at mga rental. Ang isipin pa nila magkano ang tax sa sine?,” ang pag-aanalisa pa ng kausap ko na expert sa negosyo ng mga sinehan.

Dagdag pa niyang opinyon : “Hindi na magbubukas ang mga sinehan dahil tiyak na malulugi lang, tapos ang palabas mo pa indie? Iyong mga gumawa ng proposal na iyan, hindi alam ang takbo ng negosyo,” banggit pa ng aming kausap.

Lahat tayo ay umaasa ngang makapagbubukas pa ang mga sinehan dahil iyan lang ang pag-asa ng industriya na makabangon talaga, pero mukhang tama ang pangamba ng mga may-ari ng sinehan. Sarado na nga naman sila nang halos dalawang taon na, tapos magbubukas sila para magpalugi lang?

Alam din naman nating totoo na kahit na normal pa ang pamumuhay natin, at bukas ang mga sinehan na walang pinipili at kahit na sino ay maaaring manood, hinuhulaang hindi magiging prioridad ng mga tao ang panonood ng sine lalo na nga’t marami nang platform ang video on demand. Tapos kung indie movies pa.

Ipe at Sen. Bong Go, nakaligtas sa nagkaproblemang helicopter

Nakita namin ang isang social media post ni Phillip Salvador na nagpapasalamat sa Diyos dahil nakaligtas daw sila sa naglokong helicopter na sinasakyan nila ni Senador Bong Go.

Nag-comment naman ng kasiyahan si Robin Padilla at walang nangyaring masama sa kanyang mga kaibigan.

Medyo umiiwas yata si Robin ngayon dahil ginu-groom pa rin siya ng partido ng Presidente para tumakbong senador. Kaya ngayon naiwan na lang na nag-iisang umaalalay si Ipe kay Senador Go.

Pero sa totoo lang nakakahinayang si Phillip, kinikilala iyan noong araw bilang isa sa pinakamahusay na actor.

At mas maraming proyektong ginawa para sa kanya ang national artist na si Lino Brocka, kaysa kina Christopher de Leon at Bembol Rocco. Sa lahat ng action stars, siya ang binigyan ng pinakamatinding buildup ng Viva noong panahong matindi pa ang produksiyon nila ng pelikula.

Pero timing si Ipe dahil tagilid na ang industriya kaya para na lang siyang alter ego ni Senador Bong Go.

Ex-matinee idol, bet ng financier ng indie film sa hubaran

Payag naman daw ang isang male star na mag-todo bold sa isang pelikula, sukdulang nakabilad pa ang kanyang private parts, basta siya talaga ang bida. Kaso gustuhin man ni Direk, mukhang iba ang ideya ng financier ng pelikula nila. Mukhang ang gusto ng financier ay kumbinsihin ang isang sumikat na noong matinee idol na lumabas sa kanilang pelikula, “maski na walang exposure ng private parts, basta magpa-sexy lang siya kahit na butt exposure lang ok na iyon. Ginawa na niya iyan sa isang TV series noong araw,” sabi pa raw ng gagastos sa pelikula.

Mukhang possible namang pumayag ang da­ting matinee idol, dahil puro palpak ang projects na kanyang nagawa at nagbebenta na nga siya ng properties niya dahil kailangan niya ng pera.

PHILLIP SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with