^

Pang Movies

Judge ng Bawal Judgmental, wagi ng P100K!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Magaling mangilatis ang napiling judge kahapon sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga na isang guro sa Batangas! Tinamaan niya ang jackpot na P100K sa second part ng EB segment nang walang mali!

Isa kami sa choices last Wednesday episode ng Bulaga bilang mga movie writer kasama sina Aster Amoyo, Gorgy Rula, Dondon Sermino at Rey Pumaloy.

Sa unang round, tama ang pagpili niya kina Dondon at Rey na mga batang pumasok sa showbiz writing.

Sa last round, kinilatis ng judge kung sino sa amin ang naging barangay chairman. Kinilabutan kami nang kami ng piniling The One. Nabanggit namin kasi sa unang round na sa showbiz writing, kailangang may tapang sa trabaho!

Hindi kami binitiwan ng judge. Pinanindigan niya ang pagpili sa amin. Nadoble ang pera niyang P50K kaya jackpot siya ng P100K! Nakakaiyak!

Sa totoo lang, virtual ang guesting namin. What an experience!

Sa guidance ng mga staff ng Bulaga, naairaos namin ang kakaibang gues­ting sa TV after a long time!

Thank you, Eat Bulaga! Mabuhay kayo sa tuluy-tuloy na pagtulong ninyo sa mga tao ngayong pandemya! (Wow. Congrats, tito. – Salve)

Happy Birthday, Mother Lily!

Today, August 19, ang kaaarawan ng Regal matriarch na si Lily Monteverde!

Isang misa sa umaga ang gaganapin ng virtual na pangangasiwaan ni Bishop Socrates Villegas.

Nawa’y patuloy na maging maayos ang kalusugan ni Mother Lily pati na ang kanyang pamilya!

Happy, happy birthday, Mother! Love you! (Happiest birthday, Mother Lily. - Salve)

EAT BULAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with