^

Pang Movies

Jane, natulungan ni Petecio!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Jane, natulungan ni Petecio!
Petecio.

Malaking tulong para kay Jane de Leon ang pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya bilang si Nesthy Petecio na Olympic silver meda­list ngayong matutuloy na gagawin niyang Darna.

Natural ang kilos niya bilang boxer, hindi puwedeng gumanap sa Darna ang lalambot-lambot kumilos at magsalita.

Masaya naman ang mana­ger niyang si Tyron Escalante sa nagaganp sa career ng alaga.­

Sampalan nina Lorna at Ara, nakawala ng antok

Nakakawala ng antok eksena nina Lorna Tolentino at Ara Mina na biglaan ang pagsampal ni Ara dahil kursunada nitong gumaganap na Pangulo si Rowell Santiago.

Onyok, nakatanggap ng tulong

Nagbubunyi ang mga Pilipino maging taga-ibang bansa sa pananalo ng gold medal ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics at special mention din ang tatlong boksingero na nanalo rin ng medalya.

Napintasan nga si Nesthy Petecio na sinabing silver medal lang ang napanalunan. Pero at least nanalo.

Sa kasayahang ‘yon may nagkomento na sana bigyan din ng biyaya or pabuya si Onyok Velasco na nanalo noong 1996 Atlantic Olympics pero sorry to say hindi natupad ang ipinangakong premyo ni Onyok. 

Kung tutuusin, dapat daw bigyang-pansin si Onyok dahil nadamay ito sa kahirapang umaatake sa showbiz ngayon dahil sa pandemya.

Sana nga magkaroon ng himala na maabutan ang champion na si Onyok na nakipaglaban para sa Pilipinas.

Bagama’t nangako na Office of the President na magbibigay ng P500K bilang pinansyal na suporta kay Onyok pero hangga’t di niya nakukuha, ‘di masasabing may natanggap siya.

Pakikiramay…

Deepest condolences sa pamilya ng katotong writer na si Ansel Beluso.

Nakikiramay rin kami sa pamilya ni Nilo Maligaya ng Villa Milagrosa Subdivision, Lucena City. Si Nilo ay taga-Pola Oriental Mindoro.

 

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with