^

Pang Movies

Andrea sumuko na sa pagmamahal sa BTS, ‘di kinaya ang pagbabanta ng fans

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea sumuko na sa pagmamahal sa BTS, �di kinaya ang pagbabanta ng fans
Andrea

Tinantanan na pala ni Andrea Brillantes ang pag-idolo sa sikat na Korean boy group na BTS dahil ayaw daw siya kasing tigilan ng bashers. “Nagkaroon ako ng obsession sa kanila (BTS), tapos binash ako ng buong ARMY (tawag sa fans ng BTS). Dahil lang nagustuhan ko ang BTS,” tsika ni Andrea sa kanyang latest vlog.

Natatandaan nga naming sobrang pangbaba-bash ang naranasan noon ni Andrea mula sa fans ng BTS mga three years ago.

Sa pagkakatanda namin ay umabot pa sa puntong binantaan na siyang patayin. Tinawag siyang poser, fake fan, bandwagon at kanser. “Sobrang grabe ng hate, parang natakot na rin ako silang mahalin. Sabi ko, sige na nga, ‘di na lang ako magmamahal ng kahit ano, char!” sey ni Andrea.

“Ngayon, wala na akong pake actually. Na-realize ko na lahat ng mamahalin ko, lahat ng magiging fan ako ng something, ihe-hate nila ako, so hamu na lang, wala na akong pake,” pahayag pa ng isa sa bida ng Kapamilya seryeng Huwag Kang Mangamba.

Although gusto pa rin naman daw niya ang South Korean girl group na Blackpink at mas nauna niya itong minamahal kaysa BTS.

Kim at Jerald tumodo na

Aminado sina Kim Molina at Jerald Napoles na mas madali para sa kanila na gawin ang mga love scenes nila sa pelikulang Ikaw at Ako at Ang Ending since magdyowa nga rin sila sa totoong buhay.

Especially, sa parte ni Kim na isang babae, at least daw ay wala na siyang iniilagan sa mga eksena compared kung ibang guy ang kaeksena niya.

“It was easier for me as a woman. Kasi may mga bagay-bagay tayong ayaw nating masangga, mahawakan,” ani Kim sa virtual mediacon kahapon.

Tulad nga raw noong gawin nila ni Kit Thompson ang lovescene nila sa pelikulang Momol Nights.  Mas madali rin para sa produksyon dahil halimbawang magpapalit ng lente sa love scenes, sila ni Jerald ay hindi na umaalis sa pagkaka­yakap. Mas madaling mag-take nga naman ulit. Agree naman si Jerald at dagdag pa niya, hindi na raw kailangang magpaalam pa ni direk Irene Villamor sa mga maseselang eksena na gagawin.

Anyway, tumodo talaga ang KimJe tandem sa Ikaw at Ako at Ang Ending at ngayon lang daw nila ginawa ang mga ginawa nila rito lalo na nga ang mga love scenes. The movie is Streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa Vivamax on August 13.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with