Richard, mahilig sa lumpia!

Ang haba raw ng pila sa bilihan ng cooked food sa DEC sabi ni Gorgy Rula.

Ang DEC na isang Chinese supermarket sa Greenhills ay paborito ni Richard Gomez noon na binibilhan niya ng Chinese lumpia.

Mahal na mahal ng taga-DEC sina Richard at Lucy Torres dahil para raw mga regular na suki lang kung bumili, hindi takaw-pansin. At tuwang-tuwa sila kay Richard na kung minsan doon mismo ay kinakain na ang biniling lumpia. Ever since foodie si Richard, kaya hindi kataka-taka na mahusay itong magluto. Mahilig sa pagkain at hindi delikado pakainin. Kaya marami siyang barkada at bagay sa kanyang maging pulitiko dahil people-friendly siya.

Sa rami nga ng mga celebrity na bumibili sa DEC, siya ang mas tumatak sa isip ng mga nagtitinda sa supermarket dahil nga sa maganda niyang ugali. Siguro nga miss na nina Richard at Lucy ang Chinese lumpia dahil nasa Ormoc na sila, or baka, marunong na ring gumawa nito si Richard kaya siya na ang nagluluto ng sarili niyang Chinese lumpia.

Kilalang TV director na si Kitchie Benedicto, pumanaw na rin

Namatay na rin pala si Kitchie Benedicto. Si Kitchie na isang TV director na mas kilala sa monicker na KB noong kasikatan nina Inday Badiday at Nora Aunor.

Ang mga Benedicto noon ang may-ari ng Broadcast City, kung saan lahat kami nung panahon na iyon ay naka-standby dahil nga andun ang Superstar at lahat ng show ni Inday Badiday. Doon din halos nanggaling ang mga big boss ng television, sina Wilma Galvante, Lenny Parto, Linggit Tan, at iba pa. Doon sa Broadcast City mo makikitang naglalakad nang nakatsinelas si Noli de Castro. At ang pinaka-big boss, si Kitchie Benedicto.

Si KB ay parang si Papa Miguel Belmonte natin sa The Philippine STAR, approachable, very sweet at parang hindi boss.

Kahit nga siya ang director nina Nora Aunor at Inday noon, para lang siyang isang barkada sa kanila. Those days were the golden days of TV, para bang ibang mundo ito para sa lahat at ang sarap ng pakiramdam mo na kabilang ka rito.

‘Yung Broadcast City nga ang laging nagbibigay ng melancholic feeling tuwing napadaan ako rito dahil doon yata ang pinaka-happy memory ng working days ko dahil iyon nga, parang isa lang itong standby area para sa amin, tawanan, parang mga bata, hindi feeling pressured dahil very comfortable kayong lahat sa isa’t isa. At sa memories na iyon kasali si direk Kitchie Benedicto.

Happy trip, KB. Thank you for all the good memories. Our prayers will be with you, our first Big Lady Boss. Bless your soul.

Show comments