Ellen, sinagot ang binunyag ni Long

Ellen

Finally ay nagsalita na rin si Ellen Adarna hinggil sa issue na nag-walk out siya sa last taping day ng sitcom nila ni John Estrada sa TV5 na John en Ellen.

Maugong kasi ang tsika lately ng diumano’y pagiging unprofessional ni Ellen dahil nga bigla na lang daw itong lumayas sa last taping day ng sitcom sa Laiya, Batangas noong nakaraang Hunyo.

Itinanggi na ito ng leading man ni Ellen na si John sa isang panayam at aniya ay pack-up na raw talaga ang aktres nang umalis ito sa set.

Pero contradicting naman ito sa sinabi ni Long Mejia sa isang interbyu rin na pinatotohanang nag-walk out talaga si Ellen sa set at tinawag nga ang aktres na unprofessional.

Sa Instagram page ni Ellen ay may nagtanong na netizen kung totoo bang tsinugi siya sa comedy show at sumagot naman ang fiancee ni Derek Ramsay.

Ayon kay Ellen ay alam niya raw ang kanyang karapatan at aniya ay may protocols daw na dapat sundin.

“There is what u call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented. I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you).

“Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical,” ani Ellen.

Briefly ay nilinaw ng aktres na may cut-off time siya at nag-extend na nga raw siya ng 1 oras. Aniya ay may resibo raw siya bilang pagpapatunay.

“I was promised a cutoff and even i extended it for another hour para walang masabi (i have receipts to prove this too) i guess someone wasnt informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo i think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep. Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1,” paglilinaw ni Ellen.

Sylvia, nag-agaw-buhay dahil kay Eula

Mag-aagaw-buhay nang wala sa oras si Barang (Sylvia Sanchez) dahil sa malupit na plano ni Deborah (Eula Valdez) ngayong linggo sa Kapamilya teleserye, na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa tulong ng alalay ni Deborah, ihahanda na ang magiging lugar ng kamatayan ni Barang sa mismong construction site ng pinapatayong simbahan sa bayan ng Hermoso. Palalabasin nina Deborah na isa itong aksidente kaya hindi mauugnay sa kanila ang nangyari. Ito na nga ba ang katapusan ng karakter ni Sylvia sa serye?

Sunud-sunod nga ang pinagdadaanang kalbaryo ng mga kaibigan nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).

Show comments