Yorme Isko, binatikos sa fake news sa bakuna

Yorme Isko

Feeling Christmas ang huling araw bago mag-enhanced community quarantine sa Metro Manila at ibang lugar simula ngayon.

Eh may kumalat pang fake news sa social media na hindi umano palalabasin ang hindi pa nabakunahan ng COVID-19 vaccine kaya nagkagulo ang marami sa iba’t ibang venues ng bakunahan pati na sa groceries upang mag-panic buying!

Isa na rito ang bakunahan sa mall sa Manila. Siksikan ang nais magpabakuna dahil sa pekeng balita.

Kaya hayun, biglang trending ang hashtag na #Isko sa Twitter kahapon. Karamihan sa tweets ay pagbatikos sa Manila Mayor (Isko Moreno).

Nakatakda sanang manumpa si Yorme bilang member ng Aksyon Demokratiko party. Eh dahil sa gulo, na-postpone ang oathtaking niya ayon sa tagapagsalita niya.

Sam, Janine, Katrina at Daryl, sanib-puwersa sa concert

Sanib-puwera ang singers na sina Sam Concepcion,  Janine Teñoso, Katrina Velarde at Daryl Ong sa digital concert na Four Hearts mula sa Viva Live.

Ang Viva Live ang producer ng digital concert ni Sarah Geronimo at ang gayundin ang Rico Blanco: Songbook Musical Stories ni Blanco.

Sa Four Hearts, mas pinalawak ng Viva Live ang uso ngayong digital concert gaya ng collaboration ng mga artist na puwede namang magkaroon ng sariling concert.

Naka-schedule ang Four Hearts sa August 28 at mapapanood ito sa platform ng KTX para sa Pinoy audience at sa iWant, TFC at TFC IPTV platforms para sa audience sa ibang territories.

Humanda na sa mga pasabog at paandar nina Sam, Janine, Katrina at Daryl na pampasigla ngayong pandemic, huh!

Show comments