_pang-masa
^

Pang Movies

Showbiz maghihintay na naman na mag-relax ang health protocols

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

So sad na for two weeks season break uli ng Take It... Per Minute, Me Ganun.

Imagine na mami-miss tayo dahil nga ECQ.

Kaloka na wala na ngang balitang showbiz, dahil minimal na ang mga nagaganap, heto pa at hintay uli tayo na mag-relax ang health protocols.

Pero sad man tayo, at least sana nga ay maayos na ang maging lagay natin lalo na at malapit na naman ang BER months.

Kalungkot naman na tulad last year medyo affected ang lahat, heto at umulit na naman.

Hay naku, buti na lang at may IG ako na nakakapagbigay distraction sa akin sa mga nagaganap dahil nag-i-enjoy ako, at heto ngang TIPMMG kahit na isang oras lang every Tuesday. Kundi, baka by now Koreana na ako dahil subsob ako sa ­koreanovela watching.

Buti na lang at nag-detox ako at nanonood na ng TV. Kundi, wow, grabe boredom siguro.

At alam ko na Salve ang gagawin ko habang lockdown ng two weeks, ita-try ko iyon La Fraise Gommage na bagong product ng ­Beautederm ni Rhea Tan na para sa dead skin sa mukha. Talagang araw-araw ako maglalagay sa face para maging pinkish at manipis balat ko, hah hah.

Dahil sobra akong bored, tiyak na religiously magagawa ko ito para maging new you ang beauty ko after 2 weeks ng lockdown.

Bongga na aside sa mga bagong product niya kasama na ang mga hair straightener, meron na rin apprarel store si Rhea na A-List kung saan mga imported item ang ipinagbibili.

Ang gaganda ng cardigans, sweatshirt at mga shirt na makikita mo sa online store na talaga naman pang top of the line dahil alam mo naman talagang ibang-iba ang taste ni Rhea Tan ­pagdating sa gamit.

Talagang ayaw huminto ni Rhea sa pagpapalago ng business niya, hindi siya huminto sa beauty ­products lang, pati apparel at accessories talagang pinasok na rin niya, bongga siya talaga.

Kaya naman siguro bago pa mag-50 years old baka hindi lang multi millionaire baka billionaire na siya ‘di ba.

Sa loob ng 12 years nagawa niyang number 1 ang Beautederm, additional years pa, ano pa ang maabot nito eh lalo pang dumarami ang mga ­product. Merong store sa Singapore at New Zealand, saan pa kaya magbubukas ang Beautederm.

Hindi nga kataka-taka na lalo pa siyang lumago dahil sa business acumen na taglay niya, kundi lalo pa sa sipag at personal touch niya.

Congratulations to Beautederm 12 years of supremacy sa beauty products at sa bago mong A-List online store na mga top brand ang ­available.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with