_pang-masa
^

Pang Movies

Dominic at DJ, hindi na magka-tropa dahil kay Bea?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dominic at DJ, hindi na magka-tropa dahil kay Bea?!
Dominic

May alitan nga ba sina Daniel Padilla at Dominic Roque dahil kay Bea Alonzo?

Ito ang issue ngayon sa showbiz matapos i-discuss nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang latest vlog ang biglang pagkawala ni Dominic sa squad ni Daniel.

Mayroon kasing sariling set of friends ang reel and real loveteam na sina DJ and Kathryn Bernardo at sila-sila lagi ang magkakasamang lumalabas.

Kabilang nga sa squad nila sina Dominic, Sofia Andres, Ria Atayde, Patrick Sugui, Marco Gumabao at new addition nga si Joshua Garcia.

Pero kapansin-pansin na wala nga si Dominic sa huling paglabas-labas ng grupo at katwiran ni Ogie, nasa US nga raw kasi ang aktor kasama si Bea.

Pero hirit ni Mama Loi, “Pero nay, may tsika. Na parang may falling out din ‘tong 2 magkaibigan na si DJ at si Dominic Roque?”

Dagdag pang tsika ni Mama Loi, “nag-unfollow sila sa isa’t isa.”

Hindi naman makapaniwala si Ogie at nagtanong kung bakit nag-unfollow ang dalawang aktor.

“Eh nabalitaan lang namin, pwede naman nilang i-confirm or i-deny na tungkol do’n sa relasyon nina Dominic Roque saka ni Bea Alonzo,” sagot ni Mama Loi.

Tanong ulit ni Ogie, ano raw ang konek gayung magkaibigan naman ang mga ito.

“Hindi ko nga rin alam, eh. ‘Yun nga rin ang gusto kong malaman sa kanila. Kung bakit sila nag-unfollow-han nun’g naging si Bea saka si Dominic,” sagot naman ni Mama Loi.

Well, if true, malalaman at malalaman din naman ‘yan coz sabi nga, wala namang nalilihim sa showbiz.

Dave ipinag-pray ang relasyon nila ni Ara

Tawang-tawa kami sa rebelasyon ni Dave Almarinez tungkol sa asawang si Ara Mina. Kuwento niya sa isang panayam, “Una hindi niya ako crush. Na-meet ko siya in an event, meron akong event sa basketball game, about three years ago. We invited her. Yung matatapos na yung event, di pa rin nakarating. Kumbaga hindi siya nakarating, late siya ng 5 minutes, tapos na yung event.

“So dun kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan. ‘Yung time na yun, dun kami nagkaroon ng opportunity na magkaroon ng konting kuwentuhan. That’s how everything started.”

Ayon kay Ara, ilang araw at linggo ang lumipas bago sila nauwing textmates. “Parang textmate lang parang ganun, dun na nag-start. Nag-invite, invite siya ng dinner, minsan hindi ko napagbibigyan kasi nga super busy ako. Pero persistent siya kasi kahit pandemic andiyan pa rin siya. Hanggang sa maging ano na, exclusively dating na.”

Pagpapatuloy pa ni Dave, naiintindihan niya ang pagiging busy ni Ara sa kanyang showbiz career at ilang negosyong personal na inaasikaso. Ilan sa mga negosyo ni Ara ay ang Hazelberry (cake and restaurant), Ara’s Secret (health and beauty products), Ara Shoes, at Ara Colours (lipstick line). “Ang dami niyang tapings at that time. I have to be more patient, waiting, yun ang pinakaimportante, e, on when is the right time para kami makapag-usap. ’Yung ­connecting nga lang is a challenge already from the very beginning.

“So yun muna ang umpisa and from there we get to know better. And ang una pa nga namin when I asked her na puwede ba kita ma invite to go out.”

Hindi raw typical date ang ginawa ni Dave dahil sa simbahan niya unang dinala si Ara.“Pag nag-pray ka daw dun binibigay daw sa’yo yung pinagpi-pray mo. It’s not a typical date that I’ve done.”

DOMINIC ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with