_pang-masa
^

Pang Movies

Lambada, nakatatak na sa DongYan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lambada, nakatatak na sa DongYan!
DongYan

KABISADO pa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang steps nang sinayaw nila noong Lambada.

Bago ang kaarawan ni Dong last August 2, dumalo sila sa birthday party ng kaibigan nilang si Vien Nueva na personal make-up at hair stylist ni Yan.

Ibinahagi ni Steven Doloso ang pictures ng mag-asawa sa kaibigan at ang video na sumasayaw ang mag-asawa ng Lambada sa kanyang Instagram stories.

Sinayaw nila ito sa GMA variety show na SOP noong 2002. Naging tatak na ni Yan that time ang galing magsayaw eh si Dong, member ng male dance group bago naging artista.

Samantala, isang TV special ang mapapanood ngayong Sabado sa GMA News TV ng GMA Network ng celebration of love nina Dong at Yan!

Live shows, babu uli sa ere

LIVE pa rin ang episode kahapon ng Eat Bulaga. Patuloy pang namigay ng pera ang noontime show.

Of course, sa pagsisimula ng mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ibang lugar bukas, wala pa tayong alam kung magpapatuloy pa ang live shows sa TV at tapings ng TV series.

May isang show na kinailangang kausapin ng mga taong involved sa pagpuksa ng COVID-19.

Pinayagan siyang mag-show at gawin ang naka-schedule na TV special pero binawalan siyang gawin ang special at show niya na sakop ng NCR dahil bawal ang live shows, huh!

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with