^

Pang Movies

Alden at Jasmine, ­panay ang halikan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden at Jasmine, ­panay ang halikan!

Kung marami ang mga kinikilig sa sunud-sunod na kissing scenes nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa The World Between Us, may mga nagrereklamo rin. Hindi raw panonoorin ng mga bata ang teleserye dahil panay halikan ng mga bida.

May nag-comment din na okay ang story nito, bawasan lang ang halikan. Sa halikan na raw nina Alden at Jasmine napu-focus ang story at hindi na sa story.

At least, wala nang nag-comment na isusumbong nila sa Inter-Agency Task Force ang teleserye at production people na nasa likod ng teleserye dahil lumalabag daw sa safety protocols.

Kristine at Oyo lima na ang anak!

Nanganak na si Kristine Hermosa sa pang-limang anak nila ni Oyo Sotto na kanilang pinangalanang Vittorio Isaac. Pinost ni Oyo ang larawan ng baby at larawan nila ni Kristine habang karga ni Oyo ang baby.

“Aug. 3, 2020 11:47p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord nakapag-trabaho pa ako kaninang umaga. To my family and friends, thank you. Welcome to the world Vittorio Isaac. I love you @khsotto.”

Nanganak na rin si Ynez Veneracion. Ang bongga ng baby dahil kalalabas lang, may Instagram account na agad.

Pansin din ng netizens, ang nakaayos na mga mata ni Ynez kahit bagong panganak. ‘Katuwa, nakapag-curler siya ng kanyang eyelashes.

Serye nila Heart, gumamit ng helicopter

Ang kuwento ni Richard Yap na mabilis siyang naging komportable kay Heart  Evangelista sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon kahit sa lock-in taping lang sila unang nagkita at nagkakuwentuhan. Tapos, intimate scene agad ang kinunan sa kanilang dalawa. “I think the spark is there, the chemistry is there. Hindi mo maitatago ‘yun if wala talaga. So, I think it came naturally for us kasi parang I felt comfortable with her, and hindi rin siya naiilang. Mas mabilis talaga ‘yung ganung chemistry,” sabi ni Heart.

Dagdag pa ni Richards sa interview sa kanya sa 24 Oras, nakakatawa si Paolo Contis at dahil fan siya ng Bubble Gang, alam na niya ang mga hirit nito. Kaya mas naging masaya raw ang taping nila sa Sorsogon.

Bongga ang mga eksena at may helicopter scene pa na lumipad talaga at hindi lang props at naka-standy sa set.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

JASMINE CURTIS-SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with