_pang-masa
^

Pang Movies

Willie at Raffy, handa na sa eleksyon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Ayun na nga raw, tuloy na diumano ang pagkandidato ng mga bilyonaryong TV host na sina Willie Revillame and Raffy Tulfo sa pagse-senador.

Diumano, nakapagpa-print na ng materials sa kampanya ang dalawang sikat na personalidad na tiyak ang panalo sa 2022 elections.

Bukod daw kasi sa pressure ng kampo ni Pangulong Duterte, pinayuhan sila na kung gusto nilang sumubok sa pulitika, ito na ang chance nila.

Mainit na ang usapan sa pulitika sa kasalukuyan kahit pa nga mataas ang level of fear ng mga tao sa kasalukuyan dahil sa Delta variant ng coronavirus sa bansa.

Isa pang sure na ang pagkandidato sa senado ay si Cong. Vilma Santos.

Matagal na naming naisulat ang tungkol dito na magsa-swap sila ni Sen. Ralph Recto na end na ang term sa senado.

Kathryn naumpisahan na ang dream house

Kung dati ay parang ayaw pang ilantad ni Kathryn Bernardo na nakabili siya ng lot na pagtatayuan ng kanyang dream home, ipinakita na niya kahapon na inuumpisahan na ito. Sa kanyang post sinabi nitong : “Slowly getting there.. I can’t believe it’s finally happening!”

Piolo pinag-iinitan, nakipag-meeting sa Kapamilya executives

Na-sad ako for Piolo Pascual. Pinag-iinitan siya ng netizens tungkol sa pag-amin ni Raymond Gutierrez.

As if may aaminin ang actor.

Samantala, nakipag-meeting si Papa P sa ABS-CBN executives base sa mga nagkalat na posting sa social media ni Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment.

Though walang details, pero baka ito na ang sinasabing, mananatili nga siyang Kapamilya at hindi lilipat sa GMA 7.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with