_pang-masa
^

Pang Movies

Mukha ng buhay komedya...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mukha ng buhay komedya...

Maganda ‘yung programming ng BuKo channel. Talagang parang lahat ng sitcom na gusto mong panoorin, dito mo mapapanood. Maganda rin na face of BuKo si Maine Mendoza dahil parang frontline ng channel ‘yung sitcom ni Maine.

Ngayon tiyak na lalo pang mahahasa ang comedic talent ni Maine dahil sure na aalagaan siyang mabuti ng BuKo, dahil siya ang pambato nilang star.

‘Yung ibang sitcom nila mukha ring very interesting dahil produced ng APT na kilala sa larangan ng comedy. Welcome treat para sa tele­viewers ang BuKo channel, kaya lahat masaya.

All Day... kumpleto na!

Dapat makita natin si Ronite ng @dpersonalshopperph bago mag-ECQ o enhanced community quarantine para makabili tayo ng Nutella at snacks noh.

Si Avic Amarillo nga at angels niyang sina Joyce, Camille at Angel panay ang inquire kung magsa-shopping tayo, Salve, sa All Day Supermarket sa Libis dahil nabalitaan nila na nag-shopping ka at balak mo nang mag-hoarding ng essentials bago ang lockdown.

Sabi mo nga, Salve at Gorgy Rula, na halos lahat ng essentials ay nasa All Day kaya one-stop shopping lang ang mangyayari, hindi ka na kailangang palipat-lipat pa para maghanap ng ibang bibilhin. At doon daw sa Libis branch ng All Day meron ding mga food na puwede mo talagang bilhin para makatipid sa pagluluto, dahil ihi-heat na lang sa oven. Bongga.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with