_pang-masa
^

Pang Movies

Rayver at Glaiza, naasiwa sa isa’t isa

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Rayver at Glaiza, naasiwa sa isaât isa

Feeling both asiwa, if not embarrassed daw sina Rayver Cruz at Glaiza de Castro, nang first time kinunan ang supposed first intimate scenes nilang dalawa sa bagong series ng GMA, Nagbabagang Luha.

Magkababata nga halos sila, kaya parang magkapatid ang turingan nila. As kids, they were both members ng Star Magic Batch 11 kiddie show.

But as they both admit now, magaling daw talagang direktor ang dating aktor na si Ricky Davao.

He was able, kumbaga, to get the best out of the two of them as performers.

Hindi raw nakakahiyang ihambing ang performances nila sa original stars ng Nagbabagang Luha, which originally was a film topbilled by Gabby Concepcion at Lorna Tolentino.

 Guess who was the director of the original Nagbabagang Luha, which won a number of awards in several award-giving bodies, when it was shown many years back?

Answer: The late Ishmael Bernal, considered the (yes, the) genius of Philippine Cinema.

He was conferred the National Artist Award.

Direk Bernal died, at 56, in June 1996 of a heart attack. Rest in peace, direk.

Annabelle, NR pa sa pagladlad ni Raymond

Wala pang reaction si Annabelle Rama sa publicly pag-amin ng anak na si Raymond Gutierrez, TV host at organizer ng social na parties, na bading siya.

Kung sabagay, known fact ang tungkol sa kanyang gender sa circle, kumbaga, na kinabibilangan niya.

Twin brother ni Raymond si Richard (Gutierrez), kilalang actor. Guwapong-guwapo rin, tulad ni Raymond, may asawa, si Sarah Lahbati, at dalawang anak.

Annabelle’s husband, of course, is actor Eddie Gutierrez.

May dalawa pa silang anak na lalaki, who both chose to lead private lives.

Nag-iisang anak nilang babae ang aktres at former beauty queen na si Ruffa Gutierrez.

Kris, nasasaktan pa rin

Touched na touched daw si Kris Aquino at mga kapatid dahil feel na feel daw na bawat Pilipino ay naalaala ang kamatayan ng kanilang inang si Presidente Cory Aquino, yes, 12 years ago, on August 1st. And, of course, the 40th day ng kamatayan ng kanilang Kuya Noynoy (President Benigno Simeon Aquino), August 2.

One can imagine nga, kung sabagay, the number who prayed for them. Both must be so overwhelmed.

Pati na siguro ang father nilang si Senator Benigno Aquino, who died much ahead of them. “The memory ng kanilang pagkawala still hurt,” pag-amin ni Kris.

“But we all know, too, that all three of them are in a much better place now.”

Yes, Kris, God bless the three of them – always.

Gold medal ni Hidilyn,inaalam kung ilang karat

 Marami ang curious malaman, Salve A., kung ilang karat daw kaya ‘yong gold medal na natanggap ni Hidilyn Diaz sa 2020 Olympics.

Palagay mo, Salve A., ilang karat?

But as most everyone feel, the honor Hidilyn’s winning the Gold sa Olympics para sa ating bansa ay hindi mababayaran ng salapi.

To which we should all agree.

Hopefully, may mga manalo pa ng Gold sa ilang atletang Pilipinong makikipaglaban pa sa Olympics hanggang ngayon.

GLAIZA DE CASTRO RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with