_pang-masa
^

Pang Movies

Sanya at Gabby, uulit!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Totoo ba ang sinasabi ni Sanya Lopez na possible siyang ma-in love sa mas may edad o iyan ay isang teaser para sa diumano’y pagtatambal uli ni Gabby Concepcion?

Nauna rito may sinasabi pang nagtatanong ang ermat niya tungkol kay Gabby.

Obvious na plano uli silang pagtambalin dahil lumaban ang kanilang serye sa primetime at hindi maide-deny na ang ipinalit na serye ay hindi umabot sa kanilang record pagdating sa ratings.

Ganyan din naman noong itambal si Gabby kay Sunshine Dizon sa isang afternoon slot. Maayos din ang rating na hindi sigurado noon sa rating bago ipa­labas. Isa pa, bukas pa noon ang ABS-CBN na may malawak na audience dahil sa kanilang malakas na transmitting power, pero hindi nagpatalo sina Gabby at Sunshine.

Masasabing timing din ang ratings nina Gabby at Sanya dahil nasa cable at digital platforms lang ang Ang Probinsyano hanggang sa kasalukuyan.

Ngayon dahil sa nakita ngang lakas ng kanilang tambalan, sinasabing may inihahanda na uling serye ang dalawa na magiging sequel ng First Yaya.

Anyway, kung iisipin din naman, hindi imposibleng ma-in love nga si Sanya sa isang mas nakatatanda sa kanya lalo na kung kahitsura ni Gabby.

Hindi naman puwede si Gabby dahil pamilyado siya.

Hintayin na lang natin kung anong magiging kapalaran ng lovelife ni Sanya na sinasabi nga niyang no boyfriend siya since birth.

Teejay magdedemanda sa mga nagkalat ng internet scandal

“Kahit na bayaran pa ako ng kahit magkano, hindi ako gagawa ng internet scandal. Hindi lang nakakahiya, mas maraming trabaho ang mawawala sa akin,” sabi ni Teejay Marquez dahil sa kumalat na isang scandal na pinaniwalaan ng iba na siya nga sa isang social media platform.

Matagal na palang may nagsabi kay Teejay ng fake scandal, dahil may nagpadala na raw sa kanya ng kopya at tinatanong siya kung totoo iyon, sinabi nga raw niyang hindi siya iyon, hindi siya gumagawa ng scandal pero nanahimik lamang muna siya gusto muna niyang makakuha ng ebidensiya para mapatunayan na sinisiraan lamang siya ng gumawa ng video.

Natulungan naman siya ng ilan niyang kaibigan at nakuha nila ang original na malaswang video na iyon, na isa palang Japanese film, tapos gamit ang face app, ipinalit ang kanyang ulo. Para hindi mahalata na hindi kumikilos ang mukha, tinakpan pa iyon ng isang emoji.

Sa ngayon ipinapa-trace na raw niya ang computer na pinagmulan noon, katulong ang ilang IT specialist.

May suspetsa na siya kung sino ang gumagawa noon, pero gusto niyang matiyak para masampahan na nga raw ng demanda kung sakali, para matigil na.

Arawan na showbiz workers, umiiyak na naman sa lockdown

Umiiyak na ang maraming manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon, dahil nangangahulugan na wala na naman silang kikitain na buong panahon ng panibagong lockdown. Bawal na naman ang shooting o taping ng ano mang pelikula o TV show, at silang lahat ay iyong arawan ang kita. “Hindi bale mga artista, malaki ang kita niyan kaya kahit na papaano may naitabi na. Kumikita rin sila sa mga endorsement kahit na sa internet lang, eh kami, talagang nganga. Gutom,” sabi ng isang film worker.   

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with