_pang-masa
^

Pang Movies

Ghost month at ECQ, nagsama sa Agosto!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Double whammy ang buwan ng Agosto ngayon.

Tinatawag na ghost month ng mga negosyante lalo na ang Chinese ang buwang ito. Sa film producers na puro at may lahing Chinese, iniiwasan nila ang buwang ito para magsimula ng movie.

Tapos, pumasok pa ang ECQ o enhanced community quarantine sa Metro Manila at ibang lugar. Pinakamahigpit ito sa lahat ng umiiral na quarantines.

Naapektuhan ng ECQ ang Miss World Philippines coronation night. Postponed ito indefinitely ayon sa organizers ng pageant.

May report ding lumabas na tigil-taping muna ang Kapuso series na Lolong. Wala pang ibang balita sa ibang ongoing Kapuso shows gaya ng To Have and To Hold at iba pa.

Tigil na rin muna sa Facebook live at YouTube ang Take It… Per Minute Me Ganon online show ng Pilipino Star NGAYON nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu..

Ngayong Biyernes ang simula ng ECQ sa Metro Manila. Pinahaba ang curfew. Kailangan na naman ng quarantine pass.

Kailangang sumunod para na rin sa kaligtasan ng lahat. Bilisan mo ang mga araw, August!

Maine, bagong reyna ng TV5

Natupad na rin ang sanib-puwersa ng APT Entertainment at Cignal TV na magkaroon ng 24-hour comedy channel sa pamamagitan ng BuKo channel sa Cignal TV. Pinaiksing buhay-komedya ang ibig sabihin nito at dalawang originals ang handog nito sa launching kamakailan – ang #Maine Goals ni Maine Mendoza at Kusina ni Mamang hosted by Pokwang.

Marami pang original shows na naka-line up at APT at Cignal sa mga susunod na buwan. Bukod sa originals, saksihang muli ang reruns ng tumatak na sitcom sa mga Pinoy gaya ng Iskul Bukol, Wow Mali at iba pa.

Sa totoo lang, Reyna na nga si Maine sa TV5, reyna pa rin siya sa Cignal TV, huh!

Ngayong pandemya, masarap pa ring humalakhak para hindi nating maisip ang problema kaya tutok na sa BuKo channel! 

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with