Cat cafe ni Jennylyn, isinara na!

Dennis at Jen

Isinara na nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang cat cafe nilang tinawag nilang Litterbucks dahil naapektuhan sa pandemic. Bawal na kasi ang magpunta sa cafe para lang makipag-bonding sa mga cat.

Ang mas nakalulungkot, permanently close na ang Litterbucks na ginastusan nang malaki nina Jennylyn at Dennis para lang mapaganda. May mga binili silang gadgets to ensure na magiging safe ang mga pupunta sa Litterbucks to see and play with their cats.

Concern din ang fur lovers kung saan dinala nina Dennis at Jennylyn ang mga alaga nilang pusa na mamahalin. More than 12 cats na yata ang nakalagay sa Litterbucks na kinaaaliwan ng fur lovers. For sure, hindi sila pababayaan nina Dennis at Jennylyn.

Samantala, pinupuri ng Kapuso viewers si Dennis at ibang cast ng Legal Wives  at si director Zig Dulay sa maayos na pagpapakita sa kultura ng mga Muslim, lalo na mga Maranao, sa nasabing family drama.

Kylie, naniwala sa toxic plant

Nakalipat na si Kylie Padilla sa bahay nila ng kanyang dalawang anak at nire-request ng kanyang fans na magpa-house tour siya. Napansin sa bagong post ni Kylie na wala na ang plant sa tabi ng area para sa kanyang mga anak na sabi ng isang netizen, toxic daw sa kids at sa pets and causes allergy.

Sa bagong pinost na larawan, iba na ang halaman na nakalagay sa dating lugar nito.

Anyway, nakakatuwa ang reaction ng fans ni Kylie sa convo nila ni Mikee Quintos. Nag-comment kasi si Mikee ng “crush” sa  picture ni Kylie na sinagot ni Kylie ng “@mikee nyahahaha date tayo?”

Nag-react agad ang fans, hindi raw puwedeng mag-date sina Kylie at Mikee dahil incest ‘yun, bawal daw sa mag-ina ang mag-date. Mag-ina kasi ang role ng dalawa sa Encantadia at hanggang ngayon, ‘yun pa rin ang tingin nila kina Kylie at Mikee.

Show comments