_pang-masa
^

Pang Movies

Bea, si Alden ang target na katambal sa ­teleserye?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bea, si Alden ang target na katambal sa ­teleserye?!
Bea

Uy totoo kayang guesting-guesting muna si Bea Alonzo sa GMA 7?

Kasi diumano, ang plano si Alden Richards din ang itambal sa gagawin niyang unang teleserye bilang Kapuso though may nagsasabi rin na si Dingdong Dantes. Eh may running teleserye si Alden sa kasalukuyan.

Anyway, pabalik na ng Pilipinas si Bea at boyfriend niya si Dominic Roque ayon sa kanyang post kahapon. “So, I went to see Yosemite for the first time, and stayed in an airstream???? I have never done camping before for some reason, and though I know staying in a nice airstream is so far from the usual camping, maybe this is kind of an introduction, and I know I’ll be doing this a lot in the future. It’s just nice to be close to nature and be able to experience its wonders.
My trip is coming to an end, and I have mixed feelings about it; I miss Manila, but I’ll also miss being on the road exploring beautiful places. I’m already planning my next trip as I’m typing this, ???? pero matatagalan pa yung susunod, trabaho muna.”

Not-so-ordinary movie ni Sharon tuloy ang showing pero ‘di sa sinehan

Tuloy sa Friday ang showing ng pinag-uusapang comeback movie ni megastar Sharon Cuneta na Revirginized sa Sky Pay-Per-View kahit nasa Amerika pa siya. Not-so-ordinary ang comeback movie ni Ate Shawie na dinirek ni Darryl Yap for Viva Films.

Ang kuwento, matapos mag-collapse ang marriage niya ay sinusubukan niyang i-rediscover ang sarili nang sumama sa wild party ng kanyang inaanak sa isang island para namnamin ang pakiramdam ng isang young and wild na naagaw sa kanya nang maaga siyang magkaanak.

Also starring in the new social-media trending comedy flick are Albert Martinez, Rosanna Roces, Cristina Gonzales, and Marco Gumabao.

Mapapanood ito sa Sky Pay-Per-View with 48-hour access starting August 6 (Friday) for only P250.

Baka later pa ito ipalalabas sa streaming sites at mas mauuna sa pay-per-view.

Sa trailer at still photos pa lang nito ay may gulat factor na ito.

 

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with