_pang-masa
^

Pang Movies

Dingdong at Marian masaya may exchange gifts!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong at Marian masaya may exchange gifts!
DongYan

Ang galing naman na ngayong month of August, birthday month nina Dingdong Dantes (kahapon si Dingdong) at ­Marian Rivera.

Ang saya na parang exchange gifts sila, dahil bibigyan ng gift ni Dong si Marian, at give rin siya nito.

Pero dahil nga iba ang panahon, siyempre pa magiging intimate lang ang celebration nila pareho.

Bongga dahil may dalawa na silang mga anak na kasama sa celebration, ang saya-saya na rin nila dahil medyo malaki na si Zia at si Ziggy naman alam na rin ang mga nangyayari at marunong na rin kumanta ng Happy Birthday.

Happy talaga ang Dantes household dahil iyon lang magkakasama silang buong pamilya na safe ay isa ng malaking blessing na. Happy birthday Dingdong and Marian, more to come, enjoy, and be happy.

Italian resto sa Evia, nakakatakam ang mga pagkain

Alam mo ba Salve na kahit malayo ang Evia Lifestyle Center parang gusto kong punta tayo uli nila Gorgy dahil sa San Marco Italian resto?

Natandaan mo ba iyon parang egg pie yata iyon na ulam na order ni Avic Amarillo, ang sarap pala nun, buti na lang nag-take home ko kaya na enjoy ko talaga.

Saka in fairness ha, masarap ang mga pizza nila.

Buti na lang at malayo iyon, kundi everyday nandun ako sa food court nila at try ko lahat ng mga nasa menu ng mga resto doon.

Bongga ha, magkatabi pa ang Korean at Japanese resto, kaharap ng San Marco na Italian naman.

Hay naku, suwerte ng Evia Lifestyle Center at nasa Las Piñas sila or else, magiging tabatsoy ako sa kakakain dun. 

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with